String 35

37.1K 889 234
                                        

Strings Not Too Attached 35

Trigger Warning: Some words might not be appropriate for some readers and might trigger a trauma.

You have been warned

Kinabukasan ay napagpasiyahan kong umuwi na lang muna kila nanay at kausapin ang tatay ko kaysa pumunta kina Rave.

Hindi ko sinabi sa kaniya kung anong kutob ko at kung paano magsalita si papa sa kabilang linya dahil ayaw kong mag-alala siya.

"Ayos ka lang?"

Pinilit kong ngumiti lalo pa nang makita ko ang sasakyan ni papa sa tapat ng bahay namin.

Narito talaga siya at umaga pa lang ay naghihintay na para sa akin.

Hapon na ngayon dahil mas pinili kong makapag-bebe time kami ni Rave. Gusto ko munang maramdamang may nagmamahal sa akin bago ko maramdaman ang pagtalikod sa akin ng tatay ko.

Hindi ko pa man sigurado ngunit sa kung paano nito banggitin ang salitang kabaklaan na para bang isa itong malaking pagkakamali ay tanggap ko na kung ano ang daratnan ko ngayon.

"Aaminin ko na sa pamilya ko ang tungkol sa atin, ipapakilala na rin kita sa kanila," sabi ko.

Nakita ko kung paano umawang ang labi niya sa gulat at kung paano napalitan ng sigla ang nag-aalala niyang mga mata.

"Talaga, mahal?"

Ano ba naman 'to, bakit ako naiiyak na makitang excited na excited siya sa narinig? Ganoon niya ba kagustong makilala ang pamilya ko?

"Oo."

Walang sabing yumakap ito sa akin at pinaghahalikan ang buong mukha ko habang napakalawak ng kaniyang ngiti.

Kinagat ko ang labi ko at pinigilan ang nagbabadyang luha. Ayokong mag-alala ito sa akin.

Inilagay ko ang magkabilang kamay sa magkabila nitong pisngi at ngumiti sa kaniya.

Sobrang gwapo ng boyfriend ko.

At sobrang swerte kong akin siya.

"Mamaya magkita tayo, huh? Gusto kitang makita bago ako matulog," paglalambing ko.

Kumunot naman ang noo niya na parang nagtataka kung bakit naglalambing ako ngayon.

Sa aming dalawa kasi ay mas clingy siya.

"Kahit anong oras, mahal, darating ako."

Humalik ako rito ng isang beses. "Mahal kita, Rave."

"Mahal din kita, Cadence. Palagi kitang pipiliin, mahal."

Hindi ko na kinaya pang pigilan ang pagpatak ng luha sa aking mga mata na agad niyang kinabigla at ikinataranta.

"Hey, what's wrong? What did I do to make you cry? Did I hurt you, mahal? Hey, tell me please."

Tumatawa akong nagpunas ng mga luha.

"Wala, kinikilig lang ako."

Totoo naman.

Nagyakapan lang kami roon habang ang sasakyan niya ay nakahinto na sa tapat ng bahay namin.

Sobrang mahal ko si Rave at minahal niya rin ako sa kung sino ako. Walang kahit na sino ang makakapagpabago ng nararamdaman ko sa kaniya.

Pagkatapos ng ilang minutong iyakan at yakapan, nagdesisyon na akong harapin ang delubyo.

"I love you!"

"I love you, too!"

Pagkababa ko pa lang mula sa sasakyan ni Rave ay sinalubong na ako ng masamang tingin ni papa.

Strings Not Too AttachedWhere stories live. Discover now