Strings Not Too Attached 16
"Magpahinga ka muna, Cade, simple routine ka muna," paalala ni coach.
I nodded but kept tossing the ball while all my teammates except the libero were hitting it repeatedly.
Coach didn’t include me in the heavy drills today, like our repetitive blocking exercises.
Kaninang umaga pagkagising ko ay maayos na ang pakiramdam ko. Parang dumaan lang talaga ang lagnat ko no'ng nalaman na nasa condo ako ni Rave.
Iniisip ko tuloy kung gawa ba iyon ng pag-o-overthink kong nasa unit niya ako o talagang nagkataon lang na sumobra ang pagod ko sa nagdaang mga araw.
Ayos na rin, blessing in disguise dahil mas nakasama ko siya at natanto ko rin kung anong nararamdaman ko para rito.
"Practice match natin sa Cavite Institute College sa huwebes, ipapaalam ko na kayo sa mga professors ninyo," imporma ni coach.
Ayon. Bigla akong na-excite sa anunsiyo ni coach. Ang tagal na rin kasi no'ng huli naming practice match, lalo na ang actual match at since sa susunod na lunes na ang unang laro namin, maganda ring makapag-practice match kami roon.
"Ikaw ang starting setter natin, Cadence, pag-aralan mo 'yong sets mo at galaw ng mga tao mo sa loob ng court. Titingnan kitang mabuti roon."
Bigla naman akong kinabahan. Pero kung sabagay, setter kasi talaga ang gumagawa ng laro. Kailangan ko rin gamitin ang utak kong puro hangin na ata ang laman para paganahin ang mga teammate ko sa loob ng court during the match.
"Sipag, ah?"
Umiling ako. Nagkaroon kasi sila ng practice match, kami-kami pa rin sa team at hinati lang sa dalawa. Hindi ako pinaglaro ni coach dahil nga sa kakagaling ko lang sa sakit.
Tama naman na may pinapagawa ang prof namin sa isang subject, freehand drawing lang iyon ng bagay o pwedeng tao na mahalaga sa amin.
"Architectural Graphics namin, nagbigay ng gawain, e, sayang naman 'yong free time ko kaya ginawa ko na."
"Malayo sa pagiging tarantado ni Cadence 'yong galing niya mag-drawing 'no?" sabi ni Terrence sa mga teammate kong ngayon ay nakikitingin na rin sa kung anong ginagawa ko.
Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya kasi back handed compliment, e.
"As a walang alam sa pag-drawing kahit simpleng puno, tangina panalo nga ang kamay mo sa pag-drawing, pre. Lodi!"
Ngumisi ako. Siyempre naman. Bukod sa pogi, talented din ako.
"Tumatanggap ka ba ng commission, Cade? Baka kaya mong gawan ng portrait 'yong girlfriend ko, malapit na kasi anniversary namin. "
Si Kris iyon.
Sanaol.
"Huwag mong gawan, Cade, nagyayabang, e. Pasimpleng nang-iinggit," sabi ni Juds.
"Sus! Ikaw rin naman, parang walang special someone, ah?" asar nila kay Juds.
Gaya ng sabi ko dati, mayroong special someone si Juds. Bigla tuloy sumulpot sa isip ko ang mukha ni Rave. Ano kayang ginagawa ng gagong 'yon? Huling chat niya ay kanina, nagtatanong kung may free time pa ba ako.
Aasarin ko sana kung gusto niya ba akong i-date kaya nagtatanong kaya lang ay pinili kong gamitin ang free time ko sa paggawa nitong free hand activity namin dahil sa miyerkules ang deadline nito.
Isantabi muna ang landi, second priority ko muna siya. Saka ko na lang siya gagawing first priority kapag naging ka — Ano? Kapag naging ano, Cadence?
