Strings Not Too Attached 08
Raven Verancia:
Morning :)
Chat ni Rave ang bumungad sa akin kinabukasan. May wifi kasi sa dorm at automatic na naka-connect ang cellphone ko kaya nakaka-received na agad ng messages and notifications.
Una ko pa namang tinitingnan sa umaga ay ang cellphone ko.
Kahit pikit-mata pa ay nagtipa na ako ng ire-reply rito.
Cadence Perez:
Good morning!
Kanina pang ala-sais ang chat ni Rave. Hindi ko alam kung morning person lang ba talaga siya o kung talagang maaga ang pasok niya. Ngayon kasi ay alas-diyes ang unang subject ko kaya alas-otso na ako nagising.
Sa malapit na convenience store na lang ako mag-aagahan, hindi na rin muna ako sasabay kay Jacob. Kaya namang lakarin, hindi rin ganoon kainit pa.
Hindi ko na inasahang mag-re-reply pa si Rave dahil dalawang oras na rin ang lumipas sa chat niyang iyon pero babangon na sana ako nang makita kong typing na siya.
Labag man sa loob ko pero hinintay ko pa rin ang reply niya. Gustuhin ko mang mag-asikaso na sa sarili ko pero heto ako at nakasandal sa sandalan ng kama ko habang taimtim na naghihintay ng reply ng kinginang 'to.
Hindi ko nga alam kung bakit kailangang hintayin ko pa siyang mag-reply. Pwede namang mamaya ko na lang tingnan.
Raven Verancia:
You woke up late. Napuyat?
Late lang nagising napuyat na? Hindi ba pwedeng pagod lang at sinusulit ang panahon na pwede pang matulog?
Cadence Perez:
10 am pa ang pasok ko. Sinulit ko na ang oras na pwede pa akong makatulog.
Raven Verancia:
Ako rin alas-diyes pa.
Alas diyes din pala ang klase niya, bakit ang aga niya namang gumising? Baka nga morning person siya. Edi siya na ang masipag gumising.
Cadence Perez:
Share mo lang? HAHAHAHA
Raven Verancia:
Oo, kahit wala kang paki :(
Natawa ako. What's with the emoticon? Ang jejemon, ah? Napakamatampuhin? Sa laki ng katawan niya hindi ko inakalang ganito siya katanga para magpabebe ng ganito.
Parang baliw pero... ang cute.
Cadence Perez:
Ang corny mo talaga. Btw, bakit ang aga mo nag-message?
Raven Verancia:
Wala lang, para ako ang unang bubungad sa umaga mo.
Halos mangiwi ako sa reply niya. Ganitong-ganito ka-corny ang mga banat ko no'ng nanliligaw ako no'ng Senior High, e. Ngayon nandidiri na lang talaga ako kung gaano ka-corny 'yon.
Ang lakas ng trip nitong si Rave, sa lahat ng pwedeng pagtrip-an ako pa talaga ang gusto.
Cadence Perez:
Para kang gago, Rave. Kita nga tayo, pasapak lang AHAHAHA
Raven Verancia:
Tara. Gusto kita makita, e.
