String 03

48.7K 1K 344
                                        

Strings Not Too Attached 03



"Tumawag pala ang papa mo, kinukumusta ka at nagtatanong kung nakuha mo na raw ba ang pinadala nya sa bank account mo," panimula ni nanay habang nasa hapag kami.

"Hindi naman sya tumatawag o nag-te-text man lang, paanong nangumusta sya? At saka hindi ko pa na-check ang card ko, baka bukas na lang. Pakisuyo na lang po, Nay."

Nawawalan talaga ako ng gana kapag tungkol sa tatay ang usapan. Hindi ako madamdaming tao pero kung ituring niya kasi ako pagkatapos mamatay ni mama at magkaroon sya ng sariling pamilya, e, parang pamangkin nya lang ako.

Hindi ako sasama sa kaniya sa bago niyang bahay kasama ang bago niyang pamilya pero sana man lang tinanong niya pa rin ako kung gusto ko bang sumama sa kaniya para naramdaman ko naman sana ang pagiging tatay nya kaso hindi. Dito nya ako ipinirmi sa bahay ni nanay, sa bahay ng lola ko.

Wala naman akong reklamo dahil malapit naman na talaga ako kay nanay kahit noong bata pa ako.

But it hurt. It hurt that he never gave even a full year of grieving before finding a new wife and quickly having another child—while I was just left behind with Lola.

Since then, I lost all love for him.  Kahit anong pagpapadala nya ng pera o kung ano-ano ay balewala na lang sa akin.

Dapat nya naman talagang padalhan ako dahil responsibilidad nya pa rin ang mga pangangailangan ko dahil sa tatay ko sya.

"Nagsabi nga na imbitado tayo sa 7th birthday ng kapatid mong si Nicole. Pumunta raw tayo."

Hindi ko gustong gawin pero kusa kong padabog na ibinaba ang kutsara. "Hindi ako pupunta, Nay. May training ako no'n."

Kahit hindi ko pa alam kung kailan, uunahin ko ang training kaysa ro'n. Kung wala namang training, hindi pa rin naman ako pupunta. Ano namang gagawin ko ro'n? Ako ba ang clown?

"Cadence, apo, alam kong malaki ang tampo mo sa papa mo pero papa mo pa rin iyon at si Nicole ay kapatid mo. Apo ko rin iyon kaya pupunta ako — pupunta tayo."

"Nay, naiintindihan ko po kayo pero sana maintindihan nyo rin ako na hindi ako komportableng pumunta ro'n. Sigurado rin namang may training ako, magpapaabot na lang ako ng regalo."

"Pero—"

"Ayoko na pong pag-usapan 'to, Nay. Umuwi po ako rito para makapag-relax at maka-bonding kayo. Huwag po 'yan ang pag-usapan natin," agad ko nang pinutol ang sana'y sasabihin pa ni nanay.

Ayoko namang maging bastos pero paulit-ulit naman na ang linya ni nanay na papa ko pa rin iyon at huwag na akong magtampo o magtanim ng galit.

Ayaw ko mang maramdaman pero pakiramdam ko nai-invalidate ang nararamdaman ko kapag ganoon.

I wouldn’t be like this if only he had treated me right. If only he had respected me as his child.  Sana tinanong nya rin muna ako kung ayos lang ba sa akin kung mag-aasawa na sya ulit.

At tangina! Sana man lang pinatagal niya ng isang taon bago niya pinalitan si mama.

Mabuti na rin at naintindihan naman ako ni nanay at binago na ang usapan, pero nawala na rin ako sa mood kaya iyong mga corny jokes ko ay hindi ko nailabas. I ate quietly, only answering when spoken to. A mixture of exhaustion and anger toward Dad weighed on me.

"Pasensya na po, Nay. Matutulog na po ako."

"Pasensya na rin, apo. Sige na, hindi na kita pipiliting um-attend sa birthday party ng kapatid mo. Basta ipangako mong kahit sa text ay babatiin mo sya, huh? Wala naman 'yong kasalanan sa kung anong tampo mo sa papa mo."

Strings Not Too AttachedWhere stories live. Discover now