Prologue

137K 1.8K 729
                                        

Prologue

Cadence Kyle Perez



"Cade, ano? Puwede ka ba mamaya?"

In-on ko ang loud speaker ng phone ko at itinuloy ang pagtatali ng sintas ng sapatos. It was early morning, and Paulo was already pestering me to hang out.

Palibhasa mga ulol na ulol sa alak at babae ang mga kaibigan ko, hindi na makapaghintay.

"Aga ng phone call with chiks, ah?" Kris, my teammate, teased with a smirk.

Umiling ako at tumayo na, tapos nang magtali ng sintas. I turned off the speaker. "Hindi, tropa 'to. Nag-aaya lang mambabae."

"Hanggang alas-dos lang naman tayo ngayon, pumayag ka na," natatawang ani nito bago nagsimula sa practice routine namin.

"Hoy, gago! Narinig ko iyon, ah? Nag-aaya lang akong gumimik, hindi mambabae. Imbento ka na naman."

Ngumisi ako. Alam ko na ang karakas ng mga tropa ko simula sa kaniya hanggang kina Cedrix at Jacob. Mga pare-parehong ulol na ulol sa mga babae maging sa alak. Palibhasa maraming mga oras, hindi gaya ko....

"Tanga! Kilalang-kilala ko na kasi kayo. Para namang isang taon pa lang tayong magkakaibigan? E, kapag nagpupunta tayo ng Oasis matik na may kasamang pambababae," natatawa kong sagot.

Buti wala pa si coach, malaya pa akong makausap itong gagong 'to. Ang aga kasi mag-aya, palibhasa sulit na sulit ang semestral break kaya walang inaalala kung hindi ang gumimik habang ako ay pagod na pagod sa training.

"Nagmamalinis ka na naman, e, isa ka rin namang hayok sa babae," he shot back from the other line.

"Magkaiba 'yong kusang nilalapitan ng mga babae sa nambababae. Tanga!"

Totoo naman. I wasn’t as desperate as them — always hunting for a hookup wherever we went, especially at parties. Hindi rin naman ako hayok sa alak gaya nila, talagang napapasama lang dahil magkakaibigan kami.

At isa pa, hindi ko rin naman kasalanang kahit nakaupo ako ay lapitin ako ng mga babae, hindi ba?

"Yabang mo, gago! Pasalamat ka wala ka sa harap ko nang masuntok ko 'yang ulo mong punong-puno ng hangin."

I smiled meaningfully. "Aling ulo ba?"

"Dugyot mo, gago! Ano nga? Sasama ka ba o sasama? Siyempre sasama ka."

"Bakit ka pa nagtanong kung may sarili ka pa lang sagot? Tanginang 'to!" natatawa kong sagot.

I heard his loud laugh too. “Just informing you. Sige na, mag-practice ka na riyan. Pagbutihin mo sa training niyo nang mag-champion naman tayo this season."

Siya na 'tong nambwisit nang pagkaaga-aga, siya pa itong nagbigay ng responsibilidad sa akin. Ang hirap-hirap kayang makatungtong ng final four lalo't magagaling ang mga kalaban.

Hayop na, Paulo.

"Ikaw na 'tong tumawag binigyan mo pa ako ng responsibilidad, hayop ka! Sige na, sige na. Daanan niyo 'ko sa dorm, ah?"

I hung up before he could say more. Alam kong hahaba na naman ang usapan namin dahil magrereklamo itong may sasakyan naman ako pero ang tamad-tamad kong magmaneho.

Nakakatamad naman talagang magmaneho kung mayroon naman din silang mga sasakyan na handang sumundo sa akin. Isa pa, sino bang nag-aya? Sila naman, e. Nananahimik nga ako rito, e. Sila ang sumundo sa'kin kung gano'n.

Hindi rin nagtagal ay dumating na ang coach namin. Agad kaming bumalik sa aming practice routine. At gaya pa rin dati, madalas na bola ng volleyball ang hawak ko.

Strings Not Too AttachedWhere stories live. Discover now