String 30

51.2K 1K 815
                                        

Strings Not Too Attached 30




Warning: R-18


"But before we see the performance of the Engineering department, let's give around of applause for the Eastern Lion's Dance troupe!"

Halos takpan ko na ang tenga ko sa lakas ng sigawan at hiyawan ng mga estudyante sa paligid ko.

Naiintindihan ko naman sila. Iba talaga ang aura ng mga dancer at masasabi kong hindi basta-basta ang miyembro ng dance club ng school.

Hindi sila tumatanggap ng marunong sumayaw dahil iyong magaling ang kinukuha nila. Balita kasing istrikto sa mga miyembro ang three-years leader nilang si Damon, pangalan pa lang humihiyaw na ng personalidad niya.

Isa-isang nagsilabasan ang mga miyembro na pare-pareho ang suot at nakasumbrero.

Diretso yuko sila at seryoso na sa mga pwesto ngunit hinanap agad ng mga mata ko ang taong sabik na sabik akong makitang sumayaw nang harapan.

Suot ang itim na see-through sando, black ripped jeans, at puting sapatos, pinadagundong nito ang puso at mga kiti-kiti sa loob ng kalamnan ko.

Kahit gabi na, hindi nakatakas sa akin ang hulmadong katawan at mga pandesal na nasa tiyan ni Rave. Kitang-kita iyon dahil sa suot nila.

Sinong nag-imbento ng ganitong damit? Kakausapin ko lang at sasabihing gumawa pa siya ng marami at bibilhin ko lahat para kay Rave.

Tangina ang sarap ng view.

"Kastahin mo ako, Rave!"

Nagpantig ang tenga ko roon at sinamaan ng tingin ang babaeng sumigaw no'n. Taka naman niya akong tiningnan.

Tingnan lang natin kung kastahin ka nga.

Nagsimulang tumunog ang pamilyar na beat ng sayaw. Napangiti ako kung bakit pamilyar ang kanta.

Iyon 'yong ni-request ko sa kaniya.

Buti pumayag ang mga kasama niyang iyon ang sayawin? Sa bagay, usong-usong sayaw iyon dati at talagang nakakaindak sayawin.

Hey girl, what's up, you know I pulled your bluff
And I had enough of all the frontin' games
You got me goin' insane, stop try'na mess with my brain


Putanginang katawan 'yan, ang lalambot.


So are you down or not, can I hit your spot
I know you want this too
So why you frontin', boo
So let's just make this clear
You know you want this here


Namamangha akong nanatili roon at seryosong pinapanood sila. Kitang-kita ko sa itsura nila ang gigil at the same time iyong tuwa sa kung anong ginagawa nila.


She's playin' hard to get
Like a shit does a stain
See, I just wanna talk to you
Girl, I wanna know your name


"Tangina ang pogi na, ang sarap pang sumayaw!"

"Kasya pa lima, pwede niyo ipagsabay!"

Parang masusuka ako sa mga naririnig na nagpapantig ang tenga ko. Pwede bang umuwi na lang sila sa mga bahay nila at mag-advance reading para sa next week lesson nila? Pinagnanasahan nila ang pagmamay-ari ko na.

Kaysa tuluyang mabadtrip sa mga sigaw nang sigaw roon at patuloy na nagnanasa kay Rave, muli kong itinuon ang atensyon sa harapan at ganoon na lang na parang pakong napako ang mga tingin ko sa kaniya nang marating ng kanta ang chorus nito.

And I say
Hey, girl, why can't you just love me (uh-huh, uh-huh)
I know I'm just your average Joe (uh-huh, uh-huh)
But if you take some time to get to know me (uh-huh, uh-huh)
So what's your name
Hi, my name is Joe (uh-huh, uh-huh)


Strings Not Too AttachedWhere stories live. Discover now