String 22

36.8K 1K 378
                                        

Strings Not Too Attached 22



"Ano? Pumuntos kayo!"

Kinuyom ko ang kamay ko sa narinig.

Gago 'tong Baltazar na 'to kung magyabang akala mo siya ang bumubuhat sa team nila.

Oo magaling siyang outside hitter at sikat, pero tangina mukha siyang munggo sa gupit niya.

"Gago!"

Inawat namin si Theo na nagsisimula na ring mapikon sa kalaban.

Bukod sa rival ng University namin ang Western U, kami rin kasi ang nag-aagawan sa spot sa champion ng MVT no'ng nakaraang huling tatlong season ng UL.

Doon nagsimula ang rivalry. Tuwing sila tuloy ang nakakalaro ay palaging mainit ang laban hindi dahil sa palitan ng puntos kundi dahil sa palitan ng mga salita.

Trashtalk kumbaga.

"Huwag mo na patulan," sita ni Cap, niyakap na ang bewang ni Theo na palapit sa net.

Nakita iyon ni coach kaya nag-time-out siya. Maganda na rin iyon para i-break ang momentum ng kabilang team dahil hindi na rin kami makapuntos.

Tumingin ako sa scoring board..

Set 3 :  14 - 8

"Anim lang, kaya pa 'yan," sabi ko.

Tumango sila. "Huwag niyong pansinin si Baltazar, strategy niya 'yan para mawala kayo sa focus."

Tama si captain. Kahit last season hindi ako babad na babad sa game, may mga pagkakataon naman na pinapasok ako tuwing off ang game ng former setter namin na si kuya Biboy.

Nakakalaro na namin ang mga taga-Western at napapansin ko nga ang ganoong attitude no'ng Baltazar. Kung tutuusin, sila ni captain ang nag-aagawan sa MVP award, si cap lang talaga ang nananalo.

Magaling naman siya, mayabang lang talaga.

Kahit pa sabihin niyang strategy niya lang iyon, hindi dapat gano'n sa laban.

Gets ko naman na mas maganda nga naman ang laban kung may konting angasan at trashtalk-an pero parang 'yong kaniya kasi below the belt na.

"Tangina no'n. Hindi nyo narinig sinabi kay Juds? Hindi raw maka-receive nang maayos kasi sa betlog niya nakatingin?"

Hindi ko 'yon narinig, ah?

"Gago siya! Wala ngang bumabakat sa jersey shorts niyang tanga siya!" si Juds ang nagsalita no'n.

Napalitan ng tawanan ang mga nakasimangot na mukha ng team.

"Baka iniipit? Bakla ata kaya type ka, Juds, nagpapapansin."

Umirap ang libero namin at kunwaring nag-hair flip. "Sorry siya, ayaw ko sa juts."

Nagtawanan kami at nag-apir pa sa isa't isa. Kahit paano nawala ang iritasyon at tinawanan na lang namin iyon.

"Re-receive ako, guys, papakitaan ko 'yang jutay na 'yan."

"Ako rin, Cade, bigay mo sa'kin. Babawi ako, promise pupuntos ako para sa team."

Tumango ako.

"Focus lang, team. Huwag magpadala sa emosyon. Kung makikipagsagutan at angasan kayo siguraduhin niyong hindi maaapektuhan ang laro niyo."

"Yes, coach!"

Binaba ni cap ang kamay niya. "Roaring?"

Sabay-sabay naming ipinatong ang aming mga kamay, sabay sigaw. "Lions!"

Strings Not Too AttachedWhere stories live. Discover now