String 26

35.4K 905 416
                                        

Strings Not Too Attached 26


"Busy nga ako."

Kailangan kong panindigan ang pagiging busy ko dahil talagang marami naman akong ginagawa.

Kaya ko naman siyang isingit kahit anong busy ko. Sabi nga nila, kapag mahal mo, gawan mo ng paraan para makasama mo.

Pero sa lagay namin ngayon, pinili kong huwag na siyang isingit sa oras ko. Gusto ko nang mag-move-on nang hindi umaamin, wala na rin naman kasing saysay ang pag-amin.

At uumpisahan ko sa pag-iwas.

"Busy talking with your girl?"

"My girl?" tanong ko.

Binigyan nya ako ng hindi makapaniwalang mukha roon. "The cheerleader. May sarili ka pa lang taga-cheer tuwing may laro ka."

Pero mas gusto ko kung ikaw ang magchi-cheer kaso imposible na. At ano ba 'tong pinagsasabi niya? Bakit tunog nagseselos naman ang tono niya ngayon? Inaano ba siya ni Angelic?

"May sarili naman talagang taga-cheer ang team namin, anong sinasabi mo riyan?"

Inirapan ako? Seryoso, anong problema niya? Kung magkaaway sila ng girlfriend niya o ng kung sinong babae niya, huwag mainit ang ulo niya at huwag mandamay ng iba.

"Ano? Kayo na?"

"Nino?"

"Magtatanong ako tapos magtatanong ka rin pabalik. Bakit hindi mo na lang ako sagutin?"

"Bakit? Nanliligaw ka ba? Ba't kita sasagutin?"

Gago.

Nasa isip ko lang 'yon. Hindi ko naman akalaing talagang masasabi ko. Baka sabihin niya paano naman nasali sa usapan ang panliligaw.

"Bakit? Kung manliligaw ako, sasagutin mo ba ako? Huh, Cadence?"

Ang seryoso ng mukha niya. Ang boses niya ay seryoso ngunit kalmado.

Kung hindi ko lang nakitang may kayakap siyang iba, baka maniwala ako. Baka sakaling kiligin pa ako at sakyan ang biro niyang ito.

Madali lang para sa kaniya ang magbiro ng mga ganitong bagay dahil straight siya at wala naman siyang nararamdaman para sa'kin kaya ang mga ganitong usapin ay madali para sa kaniya.

Ngunit para sa katulad kong gustong-gusto siya at nangangarap na sana totoo na lang. Sana totoo na lang na nanliligaw nga siya, sobrang hirap.

"Hindi rin, Rave. Hindi rin kita sasagutin."

Kasi alam kong hindi naman matutuloy.

Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako nang makita ang dumaang sakit sa kaniyang mga mata pero binalewala ko iyon.

Natuto na ako na huwag magpadala sa guni-guni ko. Baka nagi-imagine na lang ako sa mga nakikita ko at sa huli, e, umasa na naman ako.

"Iniiwasan mo ba ako?" tanong niya, halatang hindi titigil hangga't hindi niya naitatanong ang bagay na 'yon.

"Bakit kita iiwasan?"

"Are you mad?"

"Bakit ako magagalit?"

Napasabunot siya sa kaniyang buhok, humahaba na iyon. Kumakapal na at hindi na gaanong nakikita ang mullet niyang gupit. Isa pa naman iyon sa gustong-gusto ko sa buhok niya.

"Hindi ko alam, Cadence! Hindi ko alam kung bakit nagagalit ka. Kung bakit mo ako iniiwasan, kung bakit ganiyan mo ako kausapin. Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam kaya nga nagtatanong ako para alam ko pero huwag mo namang daanin lahat sa tanong din. Kailangan ko ng sagot mo, Cadence."

Strings Not Too AttachedWhere stories live. Discover now