String 06

43K 1.1K 1K
                                        

Strings Not Too Attached 06




"Anong ginagawa no'n sa'yo? Nang-asar ba gaya ng tropa niyang tarantado?" Paulo asked as they approached me, his gaze fixed on Rave who was walking ahead.

Saka pa lamang naputol ang tingin ko rito dahil sa boses ng mga kaibigan. I blocked their view and pulled them away toward our building.

"Kaibigan ni Tristan 'yon, 'di ba? Ayon ba 'yong Ishan?" tanong ni Cedrix.

Umiling ako. Siguro iyong tropa pa nila ang tinutukoy ni Cedrix, iyong pinakatahimik lang sa kanila. Madalas ko na 'yong nakikita kahit noon, hindi pala kilala nila Cedrix.

"Hindi, si Rave 'yon. Iyong isang kaibigan ata nila ang tinutukoy mo."

Tumaas ang kilay ni Jacob, natatawa.

"Kilalang-kilala, ah? Circle mo?"

Ngumiwi ako. "Tanga ka? E 'di ba kinausap ko 'yong Rave no'ng enrollment? Kaya nga pumutok ang butchi nyang si Paulo 'di ba?"

Paninindigan ko na itong pag-de-deny na magkakilala nga kami ni Rave. Sinabi naman niyang ayos na iyon sa kaniya basta reply-an ko raw sya.

Ang tanong, saan naman? Wala naman siyang number ko, ah? Hindi rin naman kami friends sa kahit na anong social media account.

At saka iyong....towel ko nasa kaniya....

Paano niya 'yon ibabalik? Malamang ibibigay sa akin pero paano? Paano nya ibabalik nang hindi nakikita ng mga tukmol na 'to? Buong araw ko pa namang kasama ito maliban na lang kapag training o nasa dorm na ako.

"Oh bakit ka raw niya nilapitan?"

"Hindi sya lumapit, Pau. Nagkataon na pareho kaming naghuhugas ng kamay, binati niya lang ako kaya binati ko rin. Maayos namang nakipag-usap, e," sagot ko, iyon naman ang totoo pero halatang inis ito at hindi kumbinsido sa sagot ko.

"Baka nakakalimutan mong Engineering ang department no'n, Cade? Paalala lang, ah? At saka tropa siya ng sugo ni Lucifer, baka nga 'yan ang kanang-kamay niya, e."

I shook his shoulder to calm him down. His temper was too hot. “He greeted me nicely, Pau.  Hindi naman ako bastos para maghamon ng suntukan dahil lang sa engineering student sya at tropa sya ng bestfriend mo."

"Bestfriend amputa! Corny mo, boy! Tara na nga lang," aya nito.

Pumasok na kami sa building at umakyat sa room namin pero bago pa kami tuluyang makapasok sa huling klase namin ay inakbayan ako ni Paulo at binulungan.

"Hindi mo naman siguro kinakaibigan ang grupo ni Tristan, 'di ba?"

"Hindi, ah!" tanggi ko.

"Mabuti kung gano'n."

Bigla tuloy akong napaisip na hindi talaga magandang ideya kung malalaman nitong magkakilala kami at magkaibigan ni Rave.

Sa kabilang banda, kung sakali ngang malaman niya — ano naman? Buhay ko naman ito, siguro naman may karapatan ako kung sinong kakaibigan ko sa hindi, 'di ba?

Isa pa, nauna si Rave maging kaibigan ko bago sila. Mas iba lang 'yong closeness ko ngayon sa kanila kumpara sa closeness namin ni Rave.

Pero, mas mabuti na rin sigurong walang nakakaalam para iwas gulo. Okay na rin siguro iyong kami lang ang nakakaalam na magkakilala kami, panatag naman na ako dahil nakapag-usap na kami.

Nasa kaniya pa nga ang towel ko, 'di ba?

Mabilis natapos ang dalawang oras na panghuling klase namin sa araw na 'yon. Major subject kasi 'yon kaya gaganahan ka talaga kung ayaw mong ma-tres ngayong second semester kaya hindi pwedeng patulala-tulala ako.

Strings Not Too AttachedWhere stories live. Discover now