String 07

40.2K 1K 858
                                        

Strings Not Too Attached 07

                                          

"Ba't ang tagal niyo? Akala ko mauuna pa si sir pumasok sa inyo, e," tanong ni Cedrix pagkasalubong sa amin ni Jacob.

Tinuro ako ni Jacob. "Itong hayop na 'to ang tagal mag-ayos, akala mo naman lalabas na kamukha si Jungkook amputa!"

"Bakit, pre? Pagkalabas ko ba hindi ka namalikmata na ako si Jungkook?" tanong ko rito.

Agad nangasim ang mukha nito. "Kilabutan ka naman sana, pre. Alam kong libre ang mangarap pero 'yong makatotohanan naman sana."

"Kaya nga. Dinamay mo pa 'yong gwapong kpop sa kapangitan mo," dagdag ni Paulo.

"Hindi niyo talaga matanggap na ako ang pinakagwapo sa'tin no?"

Nagkunwaring nasusuka ang tatlo, mga takot talaga malamangan. Ayaw pa tanggapin ang katotohanang ako talaga ang pinakaangat sa hitsura. Hays. Dedma na lang sa bashers basta ako pogi lang.

"Pre, kung may problema ka man i-open mo lang sa'min hindi 'yong nagpapaka-stress ka. Tingnan mo pati mata mo lumalabo na, patingin ka na ba mamaya?" Si Paulo, worried na worried pa ang mukha.

"Libre ko na magagastos mo, Cade, basta luminaw lang mga mata mo. Ang lala na, e," dagdag ni Cedrix.

Umiling ako at pumasok na sa klase. "Dedma na lang sa mga panget," pasaring ko sa tatlo saka tuluyang pumasok.

Pinagbabatukan ako ng mga ito pagkasunod sa akin sa loob ng classroom. Tawang-tawa lang ako at nagpatuloy na naman ang asaran namin hanggang sa dumating na ang prof namin para sa unang klase at nagsunod-sunod na iyon hanggang alas-onse.

Nag-unat-unat ako pagkalabas ng prof. Para akong nangangalay dahil tatlong oras din akong nakaupo lang.

"Saan tayo? Kailangan kong tapusin 'yong plate ko. Wala akong nasimulan kagabi, dinaldal niyo ako sa GC e."

"Nanisi ka pa sa katamaran mo," sagot ni Cedrix.

"Sa lounge na lang tayo, kaunti lang ang tao ro'n," suwestiyon ni Jacob.

"Malamang, exclusive iyon para sa mga engineering at archi students e," si Cedrix.

Oo nga pala. Iyong lounge malapit sa cafeteria at building ng Education ay exclusive for engineering and archi students.

Bago pa kasi magkaroon ng rivalry ang dalawang department, mayroong naging final project ang dalawang department at collaboration na gawin at iyon nga iyong lounge area.

Para iyong malaking-malaking bahay-kubo na modern style. Sa labas ay may hawig sa isang waiting shed ang itsura pero sa loob ay may mga lamesa, upuan, maging sofa at pwede pang mag-charge dahil may mga saksakan.

Ginawa raw talaga iyon para rin may tambayan at space ang mga engineering at archi students kapag gagawa ng mga plates.

Talaga namang sa itsura ng lounge area ay komportableng-komportable gumawa. Pwede rin naman ang ibang students lalo kung walang tao, kaya lang sila na mismo ang hindi tumatambay roon dahil mas priority talaga ang engineering at archi students, makikita rin kasi sa uniform kung saang department ka kaya walang lusot.

Ewan ko lang bakit biglang nagkaroon ng rivalry. Wala pa akong narinig na dahilan.

"Huwag na ro'n, baka andoon pa ang sugo ni Lucifer. Ang init na nga ng panahon baka lalo pang uminit ang ulo ko."

Ayan na naman siya.

Nag-iinarte na naman si tanga. Kailangan na naman mag-adjust ng lahat dahil lang sa ayaw niyang makita ang bestfriend nya. Pwede naman niyang isantabi ang galit niya e. Mapagpatol din kasi.

Strings Not Too AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon