Strings Not Too Attached 02
"Ano, nagsuka ba si Jacob?" I whispered as I checked on Cedrix who was already half-asleep.
"Muntik lang, buti napigilan ko."
Ini-start ko na ang sasakyan. "Hayaan mo, si Paulo naman ang dadamay sa pagsusuka niya, e. At saka, sa kaniya naman 'tong sasakyan. Marami naman siyang pang car wash," dagdag ko.
"Hoy naririnig kitang hayop ka!"
Nagulat ako nang magsalita si Paulo. Nahimasmasan na rin ata kahit paano. Mabuti naman. Iinom-inom tapos hindi naman pala kaya.
Mga literal na pabigat itong mga 'to lalo sa inuman.
Halos kurutin at sampalin ko na ang sarili ko magising lang dahil nagmamaneho ako. Pucha antok na antok na ako. Medyo malayo pa naman ang condo ni Jacob doon sa club na pinuntahan namin.
Sa lagay kong 'to, hindi na rin ako makakauwi sa dorm sa pinaghalong pagod kanina sa traning, antok, at kaunting hilo. Siguradong siksikan na namin kaming apat nito sa condo ni Jacob.
Basta ako, doon na ako sa guest room. Si Cedrix sa sofa, tapos si Paulo at Jacob ang bahalang magsukahan sa kwarto ni Jacob tutal pareho naman silang mayabang sa pag-iinom kahit parehong mahihina.
"Sukang-suka na 'ko. Konting bilis naman, Cade," pikit na sabi ni Jacob.
"Tangina, pre! Sorry, ah? Sorry kung gahaman kayong dalawa sa alak kanina kaya lasing na lasing kayo," sarkastiko kong sinabi. "Nabigyan pa ako ng responsibilidad ng mga hinayupak."
Nang mabuksan ko ang unit nito ay kaniya-kaniya kaming pasok. Si Jacob ay nauna sa sink at doon na inilabas lahat ng kinain at ininom. The heavy smell of alcohol and sour vomit filled the air — almost making my face contort with disgust.
Putangina, dugyot!
Si Cedrix wala nang pakialam at nakahilata na sa sofa habang si Paulo — ayon, nakatulog na lang sa sahig. Ako? Tangina aakyat na ako sa guest room. Ang baho ng suka ni Jacob. Dugyot talaga.
"Sa wakas!"
Siguro dahil madalas kaming mag-sleepover dito sa unit ni Jacob, lalo kapag ganitong gumigimik kami — nasanay na lang ako sa guest room nila kaya hindi na ako naghintay ng oras at agad na ring nakatulog.
Nag-alarm ako ng ala-sais. Kailangan ko pang makabalik ng dorm dahil wala naman akong gamit dito kung didiretso sa training. Isa pa, tangina amoy alak ako. Baka ako ang i-spike-in ng nga spikers namin kung mag-te-training ako sa ganitong ayos at amoy.
Kahit puyat pa, nagbihis na ako at naghilamos. Tulog na tulog pa rin ang mga putangina. Kahit si Jacob ay nasa tabi na ni Paulo sa sahig. Hindi na rin siguro kinaya ang hilo kagabi kaya rito na siya inabutan ng antok.
Matapos makapaghilamos, kahit walang toothbrush — umalis na ako at nag-taxi na lang.
Tangina, kadiri talaga.
Next time talaga magdadala na ako ng hygiene kit at extrang damit kapag gigimik. Siguradong hindi ito ang huling beses na mangyayari 'to, e. Ako ang napupuyat at nahihirapan sa mga gago.
"Hindi na nakauwi, ah? Napa-good time ka siguro kagabi," Bryce greeted me as I arrived at the dorm.
Though, hindi ko sya roommate dahil si Theo at TJ ang kasama ko na parehong middle blocker ng team, hindi na rin ako nagtaka na si captain ang una kong nakita. Morning person kasi 'yan. Siya palagi ang early bird.
"Oo, e. Nag-baby sit pa ako ng mga tropa kong lulong sa alak," biro ko.
"Pati siguro babae?" nakangisi ito, nang-aasar.
أنت تقرأ
Strings Not Too Attached
خيال (فانتازيا)BL story. Raven x Cadence Sweet Serenade Series #1
