String 34

42.2K 808 472
                                        

Strings Not Too Attached 34



Nagpapatugtog ako habang tinatapos ang last plate ko para sa midterm project namin sa isang subject bukas.

Noong natapos ko na, hindi pa rin tapos sina Rave at ang mga kagrupo niya sa ginagawa kaya inaksaya ko na lang ang oras ko para magbuklat ng mga libro dahil sa huwebes at biyernes na ang midterm exam.

"Gago! May tinuro bang gan'to?"

Parang baliw kong kinakausap ang sarili ko habang binabasa sa libro ang lessons na prinovide ng isang prof namin para magsilbing pointers to review.

Sa bawat buklat ko nga ng libro ay pakunot nang pakunot ang noo ko dahil wala akong natatandaang itinuro niyang gano'n.

Laro 'to si sir, ah? Imbento ng lesson.

Mag-aalas onse na nang makatapos ako sa pagbabasa ng dalawang subject. Pwede na 'to.

Hindi pa rin ba sila tapos? Gusto ko nang matulog pero gusto ko muna ng konting bebe time dahil nakakapagod ang araw na 'to.

Kukuha sana ako ng kape sa kusina pero sumilip muna ako kung anong ginagawa nila.

Nasa dining table sila at doon nakakalat ang iba't ibang klase ng pamilyar na mga materyales na kahit sa kurso namin ay gamit na gamit.

Busy sila lahat sa paggawa no'n. Kusang dumapo ang tingin ko kay Rave. Sobrang attracted talaga ako sa kaniya lalo kapag ganito siya kaseryoso sa ginagawa niya.

Ang hot niyang tingnan habang hawak ang isang ruler. Dahil sa ruler, may naalala akong halos kasing haba na no'n.

Putangina mo, Cadence, magkape ka na nga at kabahan ka naman sa mga iniisip mo.

Nagpapakapuyat at pagod 'yong boyfriend mo para maging successful Engineer tapos ikaw puro kalibugan ang nasa isip.

Lalabas na sana ako nang tuluyan nang mapansin ang mapungay na tingin ng babaeng katabi ni Rave.

Maganda naman sya, mukha ring matitipuhan ko kung hindi pa ako bumabaliko pero kung ikukumpara ko ito sa boyfriend ko, walang-wala na ito.

Nanliit ang mga mata ko nang kagat-labi itong tumitig kay Rave, naroon pa rin ang namumungay na mga mata.

Naka-drugs ba 'to? Adik ata, e.

Hindi naman sya napapansin ng iba nilang kagrupo dahil masyado silang tutok sa kaniya-kaniyang ginagawa.

Bakit ang isang 'to walang ginagawa at nakukuha pang titigan si Rave? Hindi ko sya kagrupo pero ramdam ko 'yong bigat niya.

"Aba't—"

Muntik na akong mapasugod nang makita kong unti-unti itong pumikit na may halong ngiti bago isinandal ang ulo sa balikat ni Rave.

Tangina. Daig pa ako kung dumamoves? Nasaan ang kahihiyan?

May asawang tayo na 'yang kinakalantari mo, ate. Itigil mo 'yan.

Tinitigan ko nang malala si Rave kahit alam kong wala namang magagawa ang titig ko dahil hindi naman niya alam na narito ako at nasasaksihan ang mga kagaguhang ito.

Mabilis naman siyang umayos ng upo kaya gumalaw ang ulo ng babae.

"Kung inaantok ka, matulog ka na. Hindi kama si Rave, makita ka ni Cade riyan, siguradong mararamdaman mo ang palo ng volleyball player."

Hindi ko inaasahang sasabihin iyon ni Ishan at ang mas nakakamangha roon, e, sinabi niya iyon nang hindi itinitigil ang ginagawa na parang wala lang iyon pero naobserbahan niya.

Strings Not Too AttachedWhere stories live. Discover now