Strings Not Too Attached 09
"Magtira ka naman ng tubig sa shower, Cade!"
"Uwing-uwi na, e."
Kanina pa nang-aasar ang mga teammates ko. Naliligo lang naman ako. Nang makuntento na akong nakuskos ko nang maigi ang buong katawan ko, lumabas ako ng cubicle saka sila pinakyuhan isa-isa.
"Ang tagal mo kasi, gago! Pupunta ka ata sa chiks after nito kaya todo hilod ka riyan, e."
"Chiks amp. Palibhasa mga dugyot kasi kayo kaya wisik lang ang ginagawa niyo," sagot ko naman.
Nagbihis na ako at nakuha ko pang magpabango. Bwiset talaga. Si Rave lang naman ang kikitain ko. Nag-chat na kasi itong nasa labas na siya kaya heto at nagmamadali ako.
Ako rin ang nauna kanina rito sa shower area para siguradong walang makakapansin sa akin kapag lumabas ako dahil busy pa silang maligo at mag-ayos.
"Oh, Cap!"
Mabilis nitong ibinaba ang cellphone na nasa tenga niya. Siguradong may kausap ito. Gulat na gulat pa ang itsura.
"Oh, Cade! Saan ka?"
"Diyan lang, cap, walang signal sa loob. Tumatawag ang lola ko," pagsisinungaling ko.
Sorry, nay.
"Oo nga e, hina rin ng signal sa loob. Sige, pasok na ako," paalam nito kaya tumango na lang ako.
Mabilis akong naglakad palabas ng gymnasium, mabuti na lang at marami ang ilaw na nakakalat sa buong School lalo na sa mga hallways kaya hindi naman ganoon nakakatakot.
Nakita ko na agad si Rave. Nakaputing hoodie ito at itim na jersey shorts sabay nakasandugo.
Ang mga kamay niya ay parehong nasa kaniyang mga bulsa. Buti na lang katabi lang ng gym ang parking lot kaya hindi na siya lalayo pa.
Inabot ko na agad ang susi niya. "Salamat sa pagsabay kanina. Dapat kasi kinuha mo na lang sa guard kanina, hindi ka na sana pupunta pa ngayon." tumingin ako sa cellphone ko. "Alas-diyes na oh," dugtong ko pa.
Nanatili lang ang tingin niya sa'kin. "Hindi pa ako kumakain," biglang sabi niya.
"Anong gagawin ko? Ayan na ang susi ng sasakyan mo, kumain ka sa inyo," natatawa kong sagot.
"Samahan mo ako."
Gulat na naman akong tumingin sa kaniya. Wala na bang katapusan 'tong gulat na ekspresyon ko dahil sa mga pabigla-bigla niyang banat na mga ganito?
Tangina kung gutom siya, kumain siya sa kanila. At saka, bakit hindi pa kasi siya kumakain? Ako pa ang aabalahin.
"May van ang team, sabay-sabay kaming pupunta sa dorm."
"Libre ko naman, ihahatid din kita agad," pamimilit niya pa.
Umiling pa rin ako. "Sabay-sabay nga kasi kaming uuwi, baka palabas na rin 'yong mga 'yon." sabay lingon ko pa kung may nakalabas na bang teammate ko, wala pa naman.
"Edi susunod ako hanggang sa dorm niyo tapos saka ka sumakay sa'kin kapag nakarating na ang van niyo sa dorm," suwestyon niya.
Edi papahirapan na naman niya ang sarili niya? Hindi ba siya makakakain kapag walang kasama kaya nang-aabala siya? Hanep talaga mantrip 'to.
"Ang kulit mo!"
"Makulit talaga ako."
Napailing-iling ako. "Hindi nga talaga pwede, Rave. Ang tropa mo kaya ang ayain at ilibre mo, matutuwa pa 'yon sa'yo."
