String 01

65.8K 1.4K 532
                                        

Strings Not Too Attached 01

                                        


"Si Paulo?" tanong ni Cedrix pagkabalik ko.

I slipped onto the dance floor, my eyes immediately catching the glimmer of his white jacket as he danced with a woman.

Mission accomplished na si tanga.

Jacob and Cedrix exchanged meaningful looks and smirked behind their backs—they were sitting side by side, right behind Tristan’s table. Ngunit sa kamalasan, kaharap naman namin sa pwesto namin ni Paulo ang table nila.

Nakasalubong ko ng tingin si Rave. Mukhang gaya ko, nabigla rin siyang makita ako. Ang liit talaga ng mundo.

I quickly looked away—there was no reason to hold eye contact.

Kabaduyan.

"Hayaan nyo na sa baba 'yan at huwag na masiyadong painumin, baka magwala pa 'yan dito lalo't kalapit pa natin ng table ang kinagagalitan niyan," sabi ko sabay lagok ng alak.

Pait.

Tumango naman si Jacob. "Hindi talaga maiiwasang makita 'yang mga 'yan, iisa lang naman tayo ng University. Paulo should get used to seeing his rival," he chuckled.

"E, sa OA no'n? Hindi niya 'yon maiisip, hindi nya alam na nag-e-enjoy pa iyang isa riyan na asarin sya lalo't nakikita na naiirita nga siya," sabi ko.

"Mana 'yon sa'yo, maliit ang utak, Cade."

"Gago ka, ah?"

Humagalpak ito ng tawa sabay abot pa sa akin ng alak. Ito na naman 'tong hayop na 'to, balak na naman akong lasingin. Bakit hindi si Jacob ang pagdiskitahan niya?

Maya-maya umalis din si Cedrix at nakita naming may kasayaw na rin, napailing na lang kaming dalawa ni Jacob. Kami na halos ang makaubos ng alak dito.

"Naglalaro ata tayo ng paunahang masiraan ng atay, pre, e," sabi ko.

"Ikaw na ang panalo, walang duda," sagot naman nya.

Himala atang walang babaeng ka hook-up 'to? Imposible 'yon. Si Jacob ba talaga ang kaharap ko? Iharap nyo sa'kin ang totoong Jacob, sigurado akong hindi sya 'tong kainuman ko. Hindi iyon nakakatagal sa gimikan ng walang kahalikan o kasayaw na babae.

"Musta training, pre? Pasakit ba?" natatawa niyang tanong.

"Sakto lang. Minsan, oo, minsan naman hindi."

Parang Silent Sanctuary lang.

Minsan oo — kasi gusto ko rin humilata buong semestral break, pero may training at kailangan pang gumising ng maaga. Kahit din tinatamad ka kailangan mong mag-gym. Kahit hindi ako spiker talon din ako nang talon.

Pero madalas naman hindi. Pangarap ko 'to, e. Gusto ko ang paglalaro kaya kahit mahirap, masarap din sa pakiramdam. Dati pangarap ko lang 'to — pangarap ko lang dati ang Eastern University tapos ngayon kasali na ako at starting setter na rin this season.

"E, mga teammates mo? Kasundo mo naman?"

Ano ba naman 'tong si Jacob! Sa isang taon kong naglalaro at nag-te-training sa college mvt hindi sya nagtanong tungkol dito. Madalas pa ngang pang-aasar ang sinasabi nya dahil nga sila ay nagpapahinga tuwing holidays at sem break pero ako nag-te-training.

Bakit naman bigla syang nagtatanong? Concern na tropa?

"Kasundo ko naman. Bakit? Sasali ka ba, pre?"

Binato ako nito ng tissue. "Wala ka talagang kwentang kausap! Nagtatanong nga ako para manuntok kapag may umaapi sa'yo ro'n."

"Umapi amputa! Kayo pa nga ang umaapi sa akin. Tangina nyo! Tigil mo 'yan, Cob. Hindi bagay."

Strings Not Too AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon