“Let's give her some time…,” she suggested and continued, “... we're not the ones to make Zenrie’s decisions. Sa nakikita ko, it will be a hard time for her to cope up since she felt abandoned for how many years in their hands. Our role is to guide her chosen path.”
Agad akong napalingon sa kanya. “Sa nakikita ko rin kay Tito Romeo, mukhang desperado na talaga eh. He's yearning for my cousin to come back,” saad ko’t kumagat ulit ng konting piraso.
Mom soffed and averted her gaze. “Tch. Kailan pa?” Kalmahan mo nga muna Mom.
Tita Pricilea gently shook her head sideways. “The only thing we need to do is to support Zenrie and her mission with the other students. Sa ngayon, may iba pang mga bagay na dapat pagtuonan ng pansin,” aniya’t lumabas upang balikan ang pinsan ko.
Grabe na rin talaga ang happenings. Wala talagang napipili sa dalawang problema ngayon ang dapat naming ipag-alala. Una, itong pandemya; tapos may issue pa sa system ng Virtualrealmnet na kung saan nakakulong sila ngayon.
Balitang-balita rin ngayong may ibang users ang nahawa ng virus at binawian ng buhay. Harujusko! This is getting alarming, tapos may impaktang Avicta pang nakikisawsaw.
Dapat na lang kasi I-mass promotion na lang. Sobrang dami na ng problema sa bansa may AI pang nakikisawsaw.
I hope Zenrie and the team will find the main culprit.
=============
===Third Person's POV===
Sumapit na ang hatinggabi at karamihan sa kanila ay mahimbing nang nakatulog. Rinig na rinig pa rin ang tunog ng ECG sa pinaglalagyan kay Zenrie na nagbibigay pahiwatig na nasa normal ang kondisyon niya. Sa oras na may makikutang diperensya sa makinarya, malaking posibilidad na nasa panganib din ang mismong pasyente sa virtual world.
Isang tunog ng nabuksang pinto ang umalingawngaw sa lumang office ni Haruka na sinundan ng mga yapak ng paa. Sa pagbukas ng ilaw, isang malaking palaisipan niya ang biglang sumulpot sa kanyang kamalayan matapos kumustahin ang kanyang anak na mahimbing na natutulog dahil sa Virtualrealmnet.
“Zenrie…” mahinang usal ni Romeo nang lumingon siya sa pintuan ng kanyang silid at pumasok sa lumang opisina.
Dahan-dahan siyang pumasok sabay bukas ng ilaw. Tumambad ang mga gamit na tinatakpan ng mga maalikabok na puting telang sa kanyang harapan. Nagmasid siya’t muling nanumbalik ang mga alaala ng kahapon sa kanyang isipan— mga bagay na hindi na niya kaya pang maibalik pa.
Ang dating masayang opisina ay nababalutan na ng lumbay…at pagsisisi.
“Haruka…” buntonghinga nitong usal, “... hindi ko alam kung mapapatawad mo ako sa mga naging pagkukulang ko sa mga anak natin, lalo na kay Zenrie.”
Bahagyang nakayuko siyang nagmasid at tinitigan ang isang masayang litrato ng kanyang namayapang asawa. Tanging alaala na lang ang naiwan sa mga bagay na nawala sa kanya.
Habang nakatingin, umagaw naman sa kanyang atensyon ang isang steel cab na kung saan nakaukit ang pangalan ng kanyang namayapang asawa. Ngunit, tila may nakalagay pang “confidential files” sa ibaba ng pangalan na pumukaw sa kanyang isipan.
Hindi nag-atubiling nilapitan ito ni Romeo.
Sinubukan niyang buksan ito ngunit ayaw gumana. Kahit ang ordinaryong universal key ay hindi talaga kayang buksan ito.
Dulot ng kanyang pagiging mausisa, isang punit na papel ang nakita niyang nakaipit sa ilalim. Malakas ang kabog ng dibdib niya’t pinulot ito. Halos nasa sampung taon na rin ang papel at naging medyo manilaw-nilaw na ito.
“Bakit nandito ang litrato ni Zenrie noong bata pa siya?” Pagtatakang tanong ni Romeo sa kanyang sarili habang binasa ang papel.
Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata sa kanyang nabasa mula sa punit na papel. Halos hindi siya makapagsalita dahil sa munting bagay na kanyang natuklasan. Bahagyang napaatras at lumingon siya ulit sa papel.
Ito ay isang piraso ng sinasabing “confidential” na dokumentong mula sa kaban. Tila hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang nabasa kahit konti lang ang nakalap niyang impormasyon.
Napabuntonghininga si Romeo sabay kabog ng dibdib. Kitang-kita sa kanyang mga mata na sana hindi na lang siya palihim na pumasok sa opisina kung ito man lang ang dadatnan niya.
“Haruka…bakit mo pa dinamay ang anak natin sa sikretong ito?”
=======================
Author's note:
It's been a long time minasan! Kumusta na kayo? Sorry for the long disappearance due to my busy private life (including my health status in both physical and mental). I just entered the life of adulting at talagang challenging din sa oras. Halos nahahati na oras ko sa hobbies (genshin), writing, at trabaho kaya matagal na akong hindi nakapag-update. I'll do my best to occupy some time to finish Volume 1.
Ready na ba sa next chapter for petsa de peligro arc? Well then, brace yourselves.
Thank you for reading my words despite my busy schedule. Makakabawi rin ako sa inyo.
Stay tuned for more updates and have a blessed night!
~SymphoZenie
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 37: Trespassing
Start from the beginning
