I saw Tita Pricilea rushing towards the gate just to control the situation. Tahimik lang akong nanonood hanggang sa nakita kong binatukan niya ang nagpasimuno sa gulo.
Hala ka r’yan!
“You know that trespassing is a violation, and you even broke the health protocols. Gusto mo bang mahawa?” I started to lend my ears while listening to her neutral yet dictating tone towards that bystander.
Nasilayan ko rin ang mukha niya— mendokusai (such a pain)! Itong pusit na naman?!
“Babalikan ko itong bahay na ‘to hangga’t hindi ko nalalamang nandito pala ang pepetsuging si Zenrie at si Romeo!” Sinubukan talaga niya maging mapanindak, ngunit bigla na lang siyang natumba sa kalsada matapos tamaan ni Tita Pricilea ang kanyang weak point sa leeg.
Lah. Slay tita!
“Akala ko sa nakamamatay na virus lang ako maiinis, pati na rin pala sa pusit na naka-travel on land!”
It was a great sigh of relief. Akala ko mamamatay ako sa kaba dahil sa trespassing pusit na ‘to. Pakiramdam ko adik yata siya. Kulang na lang gagawin ko na siyang calamares eh.
Dumating na rin ang mga gwardya at dinampot si Arman paalis ng bahay. Tita Pricilea sighed in a slight distress.
“I guess we have to tighten our security. I'll be installing hidden cameras to monitor the surroundings. Sigurado akong babalik ang bastardong ‘yon,” Tita Pricilea stated as she spit those words in her cold tone.
Napatango na rin ako at isinara ang gate bago pumasok ng bahay. Dahil din sa nangyayari ay hindi ko na maiwasang mag-alala ulit sa kalagayan ng pinsan ko.
Zenrie is now helpless with her condition— sleeping with the Virtualrealmnet on her head like she's in her comatose state. Her consciousness is stuck in another world that only the computers can reach.
Sana mahanapan na ng solusyon ni Prof. Leizuko ang pangyayaring ito. Dalawang bagay na ang nagpapadagdag ng pag-alala sa'kin: ang nakamamatay na virus at kalagayan ng mga user na nakulong sa virtual world.
======
Lumipas ang isang linggo ay naging mapayapa na ulit ang pamamahay namin. I continued to communicate with Zenrie in the virtual world using the computer program that he installed on my laptop.
Bakas pa rin sa pagiging worry sa mukha ni Tito Romeo habang hinahawakan niya ang kamay ni Zenrie. Hindi ko alam ha, pero sa tingin ko nagsisimula na siyang magreflect sa sarili niya. May daddy issue kasi itong pinsan ko dahil sa mga pinaggagagawa niya noon.
Her cold demeanor is understandable. I hope they're going to fix it soon.
Pero yung mga mukha ng nang-api sa mga pinsan ko? Hindi na yun madadala sa plastic surgery.
“Ayos ka lang ba?” Pumasok si Mom sa lab habang may dalang isang tray ng cinnamon rolls. “Mukhang malalim na naman yata ang iniisip mo r’yan.”
I shook my head and grabbed a tissue for the cinnamon roll. “Isang what if lang naman Mom.”
“Anong what if?”
“What if…unti-unti na palang nakaka-realize si Tito Romeo sa mga pagkukulang niya?” Tanong ko sabay kagat ng pagkain.
Mom sighed and narrowed her eyes. “‘Yan ang ‘di ko alam. I bet he just wanted to take your cousin home and let those idiots beat her up, including her mental state.”
Pumasok na rin si Tita Pricilea para kumuha ng pagkain. Sa mga tingin pa lang niya ay mukhang narinig niya kami habang abala sa pagsusuri ng vital signs niya.
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 37: Trespassing
Start from the beginning
