I hate it when he's cursing. I feel like I need to do something about it but I can't.
"Hoy! Gago kang putangina mo! Bakit mo sinabi? Bwiset ka naman!"
Hindi ko rin alam kung bakit ginawa ko iyon. All I know is that I want someone he can have when he find out that I'll be away.... for a long time.
Gusto kong mayroon siyang mapagbabalingan ng atensyon at makakasama sa mga darating na araw at taon na hindi na kami magkikita dahil aalis na ako.
"Tanga! Bakit hindi mo i-chat? Usong-uso na ang Facebook. Tanga ka ba?"
I've been stalking him almost everyday for four years and he's been doing a great job.
He pursued his dream to be a volleyball player and now playing to University League Association as a setter.
"Pre, iyong crush mo oh!"
Kumunot ang noo ko at itinigil ang ginagawang pagd-drawing. Lumapit ako kay Tristan at tiningnan ang cellphone niya.
"Sino, Tan? Si Perez?" tanong naman ni Ishan.
Tumango ito. "May kalaplapan sa Oasis."
Hindi ako pala mura pero putangina?
Cadence in that motherfucking video was torridly devouring a girl's mouth.
He's wild.
"Sige, laplap pa!"
Tangina sino ba 'tong nagvi-video at parang masayang-masaya pa siya sa pinapanood?
"That's his friend, Cedrix," sagot ni Ishan, napapailing.
Supportive friend, huh? Tangina.
Kailan pa naging ganito ka-wild 'to?
"I thought he's not a playboy? Akala ko training at inom lang ang pinagkakaabalahan?"
Nagtaas ng dalawang kamay si Tristan na parang sumusuko. "Ba't ka nagagalit sa'kin? Totoo naman, ah? Nagulat nga rin ako magaling pala lumaplap 'yang kinababaliwan mo."
"Lumipat ka na kasi. Walang mangyayari kung hindi mo babakuran," sabi ni Ishan.
Tristan and Ishan were my friends since grade 10 when I transferred hanggang sa mag-senior high.
Nagkataon lang na sa Cavite ako nag-aral ng first year college dahil akala ko naroon si Cadence. Late ko na nalaman na sa Eastern University pala siya nag-aral kung nasaan ang dalawa.
May galit ba talaga ang tadhana sa akin?
Actually, I chose not to have any communication with him. I want to assess my feelings. Gusto kong siguraduhin na kahit malayo siya, siya pa rin ang pipiliin at gugustuhin ko.
And it fucking did.
Kahit apat na taon ko siyang hindi nakita, narinig, at nakausap... siya pa rin.
"Uy, si crushiecakes!"
And that day when I saw him after years of waiting, I fell... again and again.
Hindi naging madali.
Ang hirap itago lalo kung miss na miss ko siya at gusto ko na lang siyang dambahin at huwag nang pakawalan.
"Magugustuhan niya kaya ito?"
Malaki ang ngiti na isinukli ni Angelic sa akin, sila kasi ni Cadence ang palaging nag-uusap sa mga ganitong bagay lately.
"Kahit pa nga gawa sa papel magugustuhan pa rin no'n basta ikaw ang nagbigay."
Kahit wala naman siya sa harapan ko ay napapangiti akong isipin na mamaya ay maisasakatuparan ko na ang matagal kong pinangarap at ipinangako sa kaniya.
Epilogue
Start from the beginning
