Sobrang sabik na akong mag-aral dahil makikita ko siya at makakasama. Hindi ko rin pinangarap maging volleyball player pero sumali ako sa varsity ng school dahil sasali rin siya.

We were called the best duo that time. I was really happy because I have that title with Cadence.

"Nice one, Rave!"

Dahil sa puntos na nagawa ko galing sa mismong set niya ay dinala kami no'n sa regional level at....

Niyakap niya ako.

Nakiyakap din naman ang ibang teammate namin ngunit isa lang ang sinuklian ko ng yakap.

Si Cadence lang.

Simula noong gabi na 'yon, hindi ako nakatulog sa kakaisip kung bakit ko naramdaman ang bagay na iyon. Doon ko na rin inalala kung gaano ako ka-excited pumasok dahil makikita ko siya.

Nag-aalala rin ako nang sobra kapag nakikita kong napapagod siya sa training kahit hindi lang naman siya ang nakakaramdam ng pagod sa team.

Naiisip ko rin kung paano ako napapangiti kapag nakikita ko siyang nakatawa at nakangiti. Kahit iyong mga corny niyang jokes na hindi naman talaga nakakatawa ay bentang-benta sa akin.

I feel like I love everything he does. Kahit nga yata ang paghinga nya, ikinatutuwa ko na rin.

Is this normal to feel because we're bestfriends?

Nararamdaman niya rin ba ito sa akin?

"Ikaw, Cade, sino crush mo sa room?" tanong ni Dennis, iyong isa pa naming kaklase at kaibigan.

I nervously waits for his answer. Pakiramdam ko sasabog ang puso ko kapag nalaman ko kung sino at maiirita sa taong iyon sa buong taon.

"Ang tagal mo, ikaw na nga lang, Rave!" baling ni Dennis sa akin.

Bakit ako? Si Cadence muna!

"Wala akong crush."

Kasi hindi ko alam kung crush ba ang tawag sa nararamdaman ko.

"Walang taong walang crush, Rave. Kahit simpleng paghanga lang talaga or iyong pwede mong matipuhan sa mga kaklase nating babae."

Bawal bang lalaki?

"I don't know if I like that person," panimula ko saka mabilis ang sulyap na ibinigay kay Cadence na seryoso ang tingin. "Kapag ba masaya ako kapag nakikita siya, tapos cute na cute ako sa kaniya, at parang aabot ng tenga ang ngiti ko kapag pinagmamasdan siya.... crush ko ba siya?"

Heck! Even when I'm just asking what I feel everytime I am with Cadence, I easily smiled.

Nagtawanan sila at naghiyawan sa naging sagot ko bago ako pinaghahampas sa pangunguna pa ng taong tinutukoy ko.

"Hindi lang 'yan crush, Rave! Crush na crush mo na 'yan!" sabi ni Cadence.

Ah. So crush na crush kita?

"Why are you packing our things, Mom? Bakasyon? Wala pa pong summer, ah?"

May dalawang buwan pa bago ang summer vacation namin. Mayroon din kaming usapan nila Cadence na sasali sa palaro.

"I'll talk to your school's head, Rave. We need to leave, your father is sick and he needs better treatment," sagot ni Mommy.

Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Alam kong may sakit si Daddy dahil sa paulit-ulit nilang pagpunta sa ospital pero hindi ko alam na ganito kalala para umalis.

Wala akong ibang naisip kundi si Cadence.

"Samantha! Crush ka raw ni Cadence!" malakas kong sigaw na ikinagulat ng lahat maging ni Cade na pinagmumura ako.

Strings Not Too AttachedWhere stories live. Discover now