Dahil sa naisip na laro ay tila gusto ko na lang iwan ang pinsan doon at maglaro. Bakit kasi ako nagpauto rito?

"Pre, paabot naman ng bola."

I look at someone who obviously talking and referring me as pre. I looked up to see a cute boy who looks like my age, wearing a simple shirt and jersey shorts.

Itinuro niya ang bola ng volleyball na nasa bandang paanan ko na ngayon.

Ngumiti siya. "Pakibato na lang, pre."

He's asking for my help nicely. Pero nakakairita naman ang pagtawag niya ng pre.

Akala mo bente anyos na kung magsalita na parang tropa talaga kami. Mukha mang kaedad ko siya, halata namang mas matangkad ako kahit nakaupo ako ngayon at siya ang nakatayo.

Ang dami kong nasabi sa utak ko ngunit sumunod naman ang kamay ko sa pag-abot ng bola at katamtaman ang lakas na ibinato sa kaniya.

Sinalo niya iyon at ngumiti. "Thanks, pre."

May pangalan ako, pre.

"Bago ka lang dito? Ngayon lang kita nakita, e."

Okay, he striked a conversation.

At saka paano niya nalaman na bago ako? Dahil lang sa hindi pamilyar ang mukha ko sa kaniya?

Ganoon niya ba kakilala ang mga taga-rito? Siguro'y gala ito at iyong tipo ng batang kung sino-sino ang kaibigan at malakas mang-bully sa school.

Stop being judgmental, Rave! Nagpaabot lang ng bola iyong tao ang dami mo nang nasabi sa utak mo.

"Oo."

"Dito na kayo nakatira? O nagbabakasyon lang?"

"The first one," maikli kong sagot.

"Huh?"

Hindi ba 'to nakakaintindi ng ingles? Siguro nga bulakbol 'tong estudyante at puro mobile games lang ang alam at iyong mga boys at the back na galawan.

"Dito na kami nakatira, kakalipat lang namin noong nakaraang linggo."

Doon siya ngumiti at tumango. "Ilang taon ka na?"

I didn't know this is an interview.

"13," sagot ko ulit.

"Ako hindi mo 'ko tatanungin?"

Anong itatanong ko? "Ng alin?"

"Huwag na nga, ang panget mo kausap," sabay tawa. "13 na rin ako. Sa CJH ako nag-aaral, kapag wala ka pang school doon ka na lang para maging kaklase kita."

Thanks, but no thanks.

Hindi na rin naman nagtagal iyong lalaki. Hindi ko rin nga nakuha ang pangalan niya dahil umalis na rin siya. He probably felt that I'm not interested having a conversation.

"Ang sungit ni Rave, Tita! Hindi 'yan magkakaroon ng kaibigan kapag ganiyan 'yan."

I almost rolled my eyes. "I have."

And he's the boy I met the other week at the playground.

Cadence.

"Saan ka natuto mag-jump set? Ang galing!" mangha nitong tanong sa akin.

I like it when he smile. There's nothing special with his smile but when he does, awtomatikong napapatagal ang titig ko roon.

Ang ganda niyang tingnan.

I am not totally a snob, I am not just friendly to strike a conversation to someone I barely know because I feel awkward.

But thankfully, there's Cadence who knows how to keep me accompany until we became bestfriend.

Strings Not Too AttachedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang