Ngumisi ako, nagyayabang. "Sorry ka na lang, ako ang natipuhan."
"Si Rave? Si Rave ba ang kasintahan mo, Cadence, apo?"
Kasintahan, baka asawa, nay.
Joke.
Si Mica ang tumango para sagutin ang tanong ni nanay. "Si kuya Rave, nay. Iyong kaibigan at kaklase ni kuya Cade no'ng highschool."
Kusang lumipat ang tingin ni nanay sa akin. "Totoo ba?"
Tumango ako, nahihiya na rin.
"Jusko! Mabuti naman kung ganoon, Cade, sigurado akong mabait ang batang 'yon. Huwag mo lang papupuntahin sa kusina dahil baka lutuan ka ulit ng hilaw ngunit sunog na hotdog."
Naaalala pa pala ni nanay iyon. Naabutan nya kasing nagtatalo kami ni Rave dahil umuusok na ang kusina at sunog pa ang kawaling pinagprituhan.
Tumawa ako. "Hindi na, nay. Nag-improve na iyon sa pagluluto, siya ang palaging tiga-luto ng pagkain naming dalawa."
"At ikaw?"
"Wala, papogi lang, nay," biro ko.
"Ang tanong, pogi nga ba?" sabat naman ni Mico na sinegundahan din ni Mica.
Kambal nga talaga sila, kuhang-kuha nila pareho ang init ng ulo ko, e.
"Pet peeve ko talaga kayong kambal!"
Umaktong nagulat si Mico. "Oh my gosh, kuya! The feeling is mutual!"
Sa huli ay nagtawanan na lang kami at nagsabi si nanay na mag-ayos na kami dahil kakain na kami ng hapunan.
Ala-sais na rin kasi at palaging maaga kung kumain sina nanay kaya maaga rin nakakapagpahinga kapag narito ako.
Akala ko ay tapos na akong paiyakin ni nanay nang yumakap sa akin si Mica habang si Mico naman ay umakbay sa akin.
"Kahit inagawan mo ako ng future boyfriend, I'm so happy for the both of you. Alagaan mo, kuya, ah? Huwag ka masyadong papogi, umambag ka sa relasyon nyo."
"Ako naman, kuya, proud pa rin ako sa'yo. Ikaw pa rin ang pinakapogi kong pinsan na may konting asim nga lang."
Tangina hindi na matatapos ang iyakan? May kakawala na namang luha, e.
"Mas maasim ka pa rin," asik ko pabalik kay Mico na tinawanan lang ako.
"Laro tayo basketball minsan nila kuya Rave, kuya. Bonding lang kagaya ng dati."
Dati kasi kapag free time ay naglalaro silang dalawa ng basketball. Ako naman ay minsan lang sumali dahil hindi ko naman talaga iyon sport pero si Rave magaling doon kaya sila ang madalas maglaro ni Mico.
"Oo ba!"
"Sama ako, tiga-cheer!"
Pabiro ko itong sinamaan ng tingin. "Bawal akitin ang boyfriend ko, Mica, huh?"
"What the heck, kuya? Siyempre hindi, duh!"
Inayos ko ang itsura ko saka inakbayan ang kambal.
Wala man akong kapatid, sapat na itong dalawang 'to sa akin.
"Hahanapan ka na lang namin, iyong katulad ni kuya Rave mo na mamahalin at aalagaan ka."
"Huwag muna, kuya! Bata pa 'yan," pigil ng kambal niya.
"Ikaw nga nanliligaw na riyan kahit 'di ka marunong maglaba ng brief mo!"
"Hoy! Iyang bibig mo, huh?"
Gusto ko nang tanggalin ang tenga ko dahil napapagitnaan nila ako at sigawan sila nang sigawan.
Hindi ko naman na nadatnan si papa roon at hindi naman na talaga ako umaasang maghihintay siya para lang humingi ng tawad sa akin.
Sa totoo nga, hindi ko na hinihiling na humingi siya ng tawad dahil kahit nasasaktan, tanggap ko na at pinatawad ko na siya.
Ayokong mabuhay ng mayroong hinanakit sa kaniya. Kahit paano, nagpapasalamat na rin ako sa nangyari dahil napunta ako sa mga taong hindi ko akalaing yayakapin nang buong puso ang pagkatao ko.
Gusto kong tanggalin lahat ng negatibo sa buhay ko at mas bigyang-pansin ang mga positibong pangyayari.
"Kapag hinanap ako ni nanay sabihin mo sandali lang ako."
"Sus! Makikipag-date ka lang, e."
" 'Pag inggit, pikit."
Nag-make face lang si Mica bago ako tinanguan at pinagtabuyan.
Wala akong planong puntahan o papuntahin si Rave ngayon kahit gustong-gusto ko siyang makita dahil gusto kong magpahinga. At kakalma lang naman ako kapag nariyan siya. Pero ayoko namang bigyan pa siya ng problema ngayong gabi dahil alam kong pagod din siyang magmaneho kanina.
Tahimik akong pumunta sa park's lane kung saan mayroong mga palaruan para sa mga bata. Marami roong puno kaya masarap tumambay at tahimik pa.
Sa duyan na pambata ako umupo at mahinang isinayaw ang duyan habang nakatitig sa bilog na buwan at maraming bituin sa kalangitan.
Siguradong hindi uulan ngayon.
Siguro kung may makakakita sa akin ay iisiping nababaliw na ako na parang nag-sho-shoot ng music video dahil pangiti-ngiti pa ako.
Ang ganda lang kasing pagmasdan ng kalangitan, sobrang kalmado na tila ba dinadamayan ako sa nararamdaman ko.
Ultimo ang ihip ng hangin tila niyayakap ako at pinagagaan ang nararamdaman ko.
Alam kong ikaw 'yan, ma.
"Hindi ko matiis."
Inilabas ko ang cellphone ko at tinawagan si Rave.
Alas-diyes pa lang naman at kanina lang ay magka chat pa kami. Siguro naman hindi pa sya tulog dahil hindi rin naman sya nagsasabi.
Pagkatapos ng ilang segundong pagri-ring ay sumagot ito.
"Mahal?"
"Hmm?"
Ano ba 'yan! Ba't umuungol?
"Anong ginagawa mo?"
"Nagpapahinga," sagot niya.
Buti naman.
"Bakit ka napatawag? Mayroong problema?" tanong niya.
Kahit hindi naman niya ako nakikita ay umiling pa rin ako. "Gusto ko lang marinig ang boses mo."
"Boses ko lang? Ayaw mo akong makita?"
"Gusto. Pero bukas na lang para makapagpahinga ka na."
"Pero mas nakakapagpahinga ako kapag kasama ka."
Ang galing-galing talagang magpakilig. Kuhang-kuha niya talaga ako sa mga simple at corny na banat niya.
"Bolero."
Humalakhak siya at binago ang usapan. "How was your day? Are you okay?"
"Malungkot na masaya."
"And why is that, hmm?"
Nag-isip ako.
Malungkot kasi tinalikuran ako ng taong inasahan kong iintindihin ako. Sa kabilang banda naman, masaya kasi mayroon pa ring mga taong handang yakapin ang katotohanan.
"Hindi natanggap ni papa pero masaya naman sina nanay para sa atin, ayos na ayos pa rin," sagot ko upang mabawasan ang pagaalala niya.
Wala akong ibang narinig mula sa kabilang linya nang maramdaman ko ang mainit na pagbalot ng mabigat at maskuladong braso sa aking dibdib.
"You know that you always have me, right?"
Boses pa lang, kilalang-kilala ko na at hindi na kailangang lingunin.
Ang tanong, paano niyang nalaman na nandito ako? At anong ginagawa niya rito?
"Rave? Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba
nagpapahinga ka?"
Humalik siya sa aking pisngi, nasa likuran ko pa rin.
"Oo nga, nagpapahinga nga ako."
"Nagpapahinga, e, nandito ka?"
"Nakalimutan mo na bang ikaw ang pahinga ko?"
String 35
Start from the beginning
