Nagtanguan sina Jacob at Tristan, nagbatian.

"Bati na kayo?" tanong ni Tristan ngunit na kay Paulo ang tingin.

"Kung hindi pa obvious ewan ko na lang," pambabara naman ni Paulo.

Kahit kailan talaga wala siyang kwentang kausap. Mabuti at may gustong kumausap pa rito?

Humalik lang sa aking pisngi si Rave bago bumalik sa kanilang lamesa at hinayaan na kami, kailangan din kasi naming pag-usapan ang gagawin sa midterm project namin kahit wala ang nag-iinarteng si Cedrix.

Maya-maya ay nakita ko namang padabog na tumayo si Ishan at naunang lumabas sa kaniyang mga kaibigan.

"Ang gandang lalaki rin talaga ni Ishan, 'no?" wala sa loob na untag ko.

Ngumisi si Paulo. "Nakatingin ang boyfriend mo, baka patayin niyan ang kaibigan nya dahil sa sinabi mo."

Nilingon ko sina Rave at nakitang masama na ang tingin sa akin. Narinig niya pa iyon? Ganoon ba talaga siya ka-attentive sa akin?

Inilabas ko ang cellphone ko.

Cade:

Nagandahan lang ako kay Ishan kasi hindi ako makapaniwalang lalaki talaga siya. Selos? HAHAHA

Rave:

Type mo?

Luh! Bakit mat-type-an?

Cade:

Type ko 'yong malalaki 'yong katawan tapos kayang tumagal kahit ilang rounds 😇

Rave:

Don't test my patience, Cade. Kailangan nating mag-review pareho para bukas.

Ngumisi ako nang may maisip na kalokohan.

Cade:

Edi quickie na lang?

Rave:

I swear, Cade, you should stop.

Masama ang tingin na ipinukol nito sa akin kaya tawang-tawa akong umiling sabay nguso.

"Ang sabi mag-uusap tungkol sa project, hindi maglalandian sa harap namin," parinig ni Jacob.

Kinalma ko na ang sarili ko at piniling huwag nang lingunin ang gawi nila Rave at nakatulong naman iyon dahil mas nakapag-focus na ako at na-finalize na namin ang ideas kung anong gagawin sa project.

Nagpatuloy lang ang huling subject namin nang maisipan kong i-text si Rave na kay Paulo ako sasabay umuwi dahil gusto ko ring makapag-usap kaming dalawa.

"Bakit sasabay ka?" tanong nya.

"Kasi gusto ko."

"Paano kung ayaw ko?"

Umiling ako. "Wala kang magagawa kasi hindi ako makakauwi kapag hindi mo ako sinabay."

"Anong silbi ng pag-boboyfriend mo kung hindi ka susunduin? Napakawalang kwenta naman niyang Raven mo!"

Tumawa ako roon. "Para kang nanay ko kung magsalita. Pinauna ko na sya kasi nga sa'yo ako sasabay, alam kong marami kang tanong."

"Marami talaga."

"O kaya nga sumakay na tayo sa sasakyan mo nang makaraming bote na tayo," biro ko.

"Anong makaraming bote? Parang walang midterm bukas, ah?"

Sa kabila ng sinabi nya ay dumiretso pa rin kami sa convenience store para kumuha ng tig-isang can ng beer, pampagaan lang ng mood kahit paano.

Huminto kami sa harap ng condo ni Rave at doon na nagpasiyang magsimulang magkwentuhan.

"Kailan nag-umpisa?" tanong nya.

"Ang alin? Iyong pagbaliko ko o ang relasyon ko kay Rave?"

"Pareho."

Huminga ako nang malalim saka binalikan kung paanong nagsimula ang mga kaba ko kapag nariyan si Rave lalo na kapag nagsisimula na ang dance session ng mga insekto sa loob ng tiyan ko.

"Does your family know?"

Tumango ako. "Tanggap naman nila. Si nanay at papa na lang ang hindi ko nakakausap pero siguradong alam na ng tatay ko 'yon."

"Kailan mo balak kausapin?"

Sa totoo lang ay matagal ko nang pinag-iisipan kung kailan nga ba ang tamang panahon para kausapin sila pero na-realize ko ring wala naman talagang tamang oras para umamin.

"Sa sabado pagkatapos akong ipakilala ni Rave sa parents nya."

Uunahin ko na lang muna ang masayang pangyayari kaysa sa malungkot. Hindi pa ako sigurado sa magiging reaksyon nila pero nararamdaman ko nang hindi magiging maganda.

"Nakikita ko namang masaya ka sa kaniya at sa naging desisyon mo kaya wala akong karapatang pumigil doon. Alam mo naman kung saang parte lang ako nasaktan, 'di ba?"

Tumango ako.

"Sorry rin kung naramdaman mong hindi kita pinagkatiwalaan pero natakot lang din kasi ako noong mga panahon na 'yon kaya nagdesisyon akong pagkatapos na lang ng finals sabihin pero nauna nang nalaman no'ng dalawa hanggang sa ayon, kumalat na 'yong tungkol sa'min," paliwanag ko.

Minuto ang lumipas na walang nagsasalita sa aming dalawa. Tanging paglagok lang ng iniinom na beer ang maririnig.

"Tanggap at suportado kita, alam mo naman 'yan, e. Basta kapag may problema, tawag ka lang, kahit nakikipag-sex ako darating ako kaso siyempre badtrip 'yon."

Sinuntok ko ang braso nya. "Putangina mo! Hindi mo talaga alam paano magseryoso, 'no?"

"Alam ko. May siniseryoso na nga ako, e."

At dahil si Paulo sya, hindi ako maniniwala. Mas babaero pa 'yan sa salitang babaero. Masyadong mahilig sa iba't ibang putahe kaya hindi nananatili sa isa.

"Sobrang seloso ba ni Rave?"

"Huh? Ba't mo natanong?"

Ngumuso siya. Sinundan ko ng tingin ang inginuso niya at nakitang nakatayo na sa harap ng lobby ang boyfriend ko.

Nag-text na kasi ako sa kanya na narito na kami.

"Qualification ata nilang magtotropa na maging seloso," bulong nito na hindi ko narinig.

Nagpaalam na rin ako rito dahil hindi rin pwedeng magtagal kami dahil midterm namin bukas at kailangan namin ng mahaba-habang oras para mag-review.

Isang halik sa noo agad ang sinalubong sa akin ni Rave bago kami pumasok sa loob.

"Ayos na kayo?"

"Sobrang ayos, mahal."

Mabilis dumaan ang dalawang araw at namalayan ko na lang na mahigpit na akong yakap ni Rave habang nagpapahinga matapos ng huling exam namin ngayong araw.

Pinag-uusapan namin kung ano kayang magiging reaksyon ng parents nya bukas kapag punta namin nang tumunog ang cellphone ko.

Siya ang nag-abot no'n dahil katabi nya ang bed side table kung saan nakalagay ang cellphone ko.

"Papa mo," sabay abot nito.

Nagkatinginan kami bago sya tumango kaya hindi na ako nag-abalang umalis pa roon. Hindi ko inaasahan ang pagtawag nito dahil hindi ko na maalala kung kailan ang huling beses na tinawagan niya ako.

"Hello?"

"Umuwi ka rito bukas agad, Cadence," iyon agad ang ibinungad niya sa akin sa seryosong tinig.

Aaminin kong kahit inasahan ko na ito ay kinakabahan pa rin ako.

"Bakit?"

"Pag-uusapan natin 'yang kabaklaan mo."

Strings Not Too AttachedWhere stories live. Discover now