Hindi na siya pwedeng kumawala sa akin at mapunta sa ibang tao. Akin na lang siya at ikakandado ko na siya sa piling ko sabay tapon ng susi.
Yumakap ako sa kaniya at tumango. "I love you!"
Tumawa sya pero humigpit din naman ang yakap sa akin. "I love you too."
Dahil sa sinabi niya ay nawala ang init naming pareho at napalitan ng emosyonal na reaksyon kaya mapayapa kaming nakarating sa school.
Gaya kahapon, hinatid niya ulit ako hanggang sa department namin bago siya dumiretso sa kanila. Ngayon ang last day ng lesson proper namin dahil bukas na ang umpisa ng midterm exam.
"Group yourselves into four for your midterm project that you should submit on or before the last day of next week. So that will be on Friday next week, okay? I need a list of your groupmates now."
Mabilis kaming nagkatinginan nina Jacob sa narinig. Apat ang kailangan at saktong apat kami pero nang lingunin si Paulo ay diretso lang ang tingin niya.
Nasa likuran na lang namin siya at katabi ni Cedrix habang kami naman ang magkatabi ni Jacob. Bumuntong-hininga ako dahil hindi pa rin nawawala ang tampo ng isang 'to.
Sa aming dalawa ay mas friendly naman ako kaya kakayanin ko namang makigrupo sa iba kaysa ipilit kaming apat kung hindi rin kami makakagawa nang maayos dahil sa tensyon sa amin ni Paulo.
Ngumiti lang ako kila Jacob saka tumayo. "Sige na, makikigrupo na lang ako sa iba para hindi na rin maging awk—"
"Ang arte mo, Perez!"
Napalingon ako kay Paulo at nakangisi na ito, kahit si Cedrix ay nakangiti na at tumango sa akin.
"Ako ang galit kaya ako lang ang may karapatang mag-inarte rito, Cadence. May sinabi ba akong awkward? Feeler ka!"
Tuluyan na akong natawa dahil bigla kong naalalang si Paulo na pala ito at hirap na hirap siya sa mga salita kaya kung magbabati man kami ay siguradong sa ganitong paraan.
Minsan nga kapag nagso-sorry 'yan ay magbibigay lang siya sa'yo ng pagkain nang walang sinasabi at ayos na kami.
Kilala na kasi namin siya at may mga bagay na hirap pa siyang i-overcome kaya sa mga ganoong paraan niya lang kayang i-express ang sarili niya.
"Tangina mo, Pau!" bulyaw ko.
Ngumisi rin sya. "Tangina mo rin with feelings!"
"Feelings? Sorry, pre, taken na ako. Nahuli ka na, hindi na pwede," malungkot kong sinabi na nakapagpairap na naman sa kaniya.
"Hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyari, Cadence, huh? Kailangan ko ng explanation."
Wow, prof lang ang dating? Ano ka essay part sa exam at kailangan pa ng explanation?
"Mga ilang words ang minimum, pre?"
"Mga limang suntok galing sa'kin," sagot niya.
Gumaan ang araw namin dahil tapos na sa tampo phase niya si Paulo at nakikipagbiruan na rin sa amin.
"Sa lounge tayo para mapag-usapan na 'yong sa groupings."
Bumili muna kami ng pagkain sa cafeteria bago dumiretso sa lounge at nakita roon sina Rave.
Agad umatras si Cedrix, halatang may iniiwasan doon. "Ang sakit ng tiyan ko, clinic muna ako."
Nanliit ang mga mata ko dahil hindi alam kung bakit ganito ang ikinikilos niya. Hindi namin siya nagawang pigilan dahil hindi na siya nagpapigil at mabilis na kaming iniwan.
Bumungad sa amin sina Rave na nakatingin, paniguradong nakita kung anong nangyari pero agad ding bumalatay ang ngiti kina Tristan at Rave habang si Ishan ay nanatiling nakatingin sa labas sabay irap sa kawalan.
String 34
Magsimula sa umpisa
