Tumigil ako.
"No sex for you tonight, Verancia."
"What? I'm just kissing you, mahal," depensa niya.
Sus! E, kung pumayag ako malamang ay nakahubad na kaming pareho sa mga oras na 'to.
"Kung maaga ka lang sanang umuwi kanina at hindi kasama ang mga kagrupo mo, baka pangatlong rounds na natin," natatawa kong sinabi.
Isiniksik niya ang mukha sa aking leeg at humigpit ang yakap.
"I hate groupings!"
Natawa ako roon at nag-aya na ring matulog dahil parehong alas-otso kami gigising dahil alas-diyes ang pasok namin. Hindi na rin siya tumalima pa dahil alam kong pagod at antok na rin siya.
"Hey, mahal! Gising na!"
Naramdaman ko ang mahina at malambing na paggising sa akin ni Rave ganoon din ang pagpugpog niya ng magagaang halik sa aking buong mukha.
Ganito naman palagi ang eksena namin. Mas maaga siyang nagigising kumpara sa akin at kapag gising ko ay may nakahanda nang pagkain para sa aming dalawa.
Palagi niya akong bini-baby. Kung minsan pa nga na hindi agad ako nagigising ay bubuhatin niya ako diretso sa dining area at kulang na lang ay subuan at i-baby talk niya.
Sa mga ganitong pagkakataon, masasabi ko talagang napakaswerte ko kay Rave.
Nag-aayos ako ng neck tie ko nang bigla itong yumakap mula sa likuran ko. Isiniksik niya ang mukha sa aking leeg at dumila roon.
Mabilis akong lumiyad upang bigyan siya ng mas malawak na access sa parteng iyon dahil sa init na naramdaman ko.
Tangina papasok na lang at dinatnan pa ng kalibugan.
"Ah!" soft moans escaped from my mouth.
Mas lalo niyang pinag-igi ang ginagawa roon at hinahagod na rin ang aking dibdib kahit pa suot ko na ang uniporme ko.
Sa aking likuran ay ramdam ko na ang naninigas niyang ari na tumatama sa aking pang-upo.
"You're so hot, mahal. What should I do?" his voice were sexy as hell when he said that.
Tangina gusto ko.
"Ang tigas mo, Rave," usal ko sa malanding paraan habang hinahalikan pa rin niya sa aking leeg.
Sobrang turn on talaga sa akin kapag hinahalikan na sa leeg kaya alam na alam niya talaga kung paano simulan akong painitin.
Tumigil ang paghalik niya at yumakap na lang nang mahigpit sa akin.
"Do you love me, Cade?"
Huh? Ano bang tanong 'yan?
Hinaplos ko ang buhok niyang nakasiksik pa rin sa aking leeg.
"Sobrang mahal," sagot ko.
"Ako rin, Cade. Sobrang-sobra kitang mahal. Sa sabado, gusto kitang ipakilala na kila mommy. Is that okay with you?"
Dahil sa narinig ay sapilitan kong inangat ang mukha niya. "Seryoso ka ba?"
"Sa'yo? Dati pa."
"Raven hindi ako nakikipagbiruan. Nagtatanong ako kung seryoso ka bang ipapakilala mo ako?"
Tumango naman sya. "Dati ka pa nilang kilala, mahal. Gusto ko lang na pormal kang ipakilala bilang boyfriend ko."
Sa oras na 'to gusto ko na lang magtapos na ng pag-aaral at maikasal na sa kaniya. Ayoko nang pakawalan ang lalaking ito.
String 34
Start from the beginning
