Narinig ko ang tawa ni Tristan."Mase-set-an ka talaga kapag nakita 'yan ni Cade."

"Inaantok ka na ba, Anne? Pwede kang ihatid ni Simon kung hindi mo na kaya," tanong ni Rave.

"Gago! Ba't ako?" tanong naman noong sinabing Simon.

"Bawal ako, magagalit ang asawa ko," natatawang sagot ni Rave.

Napanguso ako. Ganiyan nga, alamin mong nakatali ka na sa akin kaya hindi ka na pwedeng humarot-harot pa sa kung sino.

Nakita ko ang hilaw na ngiti noong Anne dahil sa mga sinabi nila Tristan. Kahit ako makakaramdam ng hiya kung ganoon, e. Masyado kasing obvious ang damoves niya, partida narito pa ako sa paligid.

Paano na lang kung wala ako? Ang sarap awayin ni Rave ngayon, ah?

Imbes na kape ay gatas na lang ang gusto kong inumin. Mukhang mas kailangan ng Anne iyong kape para mawala ang antok niya.

Mabilis na naalerto si Rave nang makita ako. Lumapit agad ito at kumapit sa aking bewang na akala mo'y lumpo ako at kailangan ng suporta.

Ngumiti lang ako sa mga kagrupo niya at nakipagsukatan ng tingin kay Anne na kalaunan ay siyang unang nag-iwas ng tingin.

"Kukuha ako ng gatas."

"Ako na."

Hinayaan kong gawin iyon ni Rave nang maipakita ko kung sino talaga ang aasikasuhin ni Rave sa loob ng unit na 'to.

"Baka gusto nyo ng kape? Mukhang napapasandal na kayo sa katabi ninyo dahil inaantok na kayo," biro ko sa kanila.

Unang natawa roon si Ishan. "Hindi ko need."

"Ako rin, Cade, hindi," sabay lingon sa mga kasamahan. "Kayo, guys? Ikaw, Anne?" tanong ni Tristan.

Nahihiyang umiling ito. "Ah, hindi. Salamat na lang ano...uhm... Cade."

Hilaw akong ngumiti bago humalik sa aking pisngi si Rave, naglalambing at walang pakialam kahit literal na nasa harap lang ng kitchen counter ang dining table.

"Tapos na ang plates mo?"

"Oo, nakapag-advance review na nga rin ako."

"Konti na lang, mahal. Mga 11:30 siguro matatapos na kami. Patapos na, e."

Hindi ko na rin sinayang ang pagkakataon at yumakap sa kaniya. Kailangan ko talagang mag-recharge ng energy dahil antok na ako at pagod na rin pero hindi na ako sanay nang hindi siya katabing matulog.

"Nakita kong sumandal siya sa balikat mo. Naiirita ako, Raven," bulong ko.

Narinig ko ang pagtawa nya. "Nabigla lang ako, nakita mong inalis ko agad, 'di ba? I am faithful to you and only to you."

"Dapat lang."

Hinayaan ko na sila roon at muli nang pumasok sa kwarto namin. Nag-scroll scroll na lang ako roon pampalipas ng oras habang naghihintay kay Rave.

Hindi na rin naman nagtagal at sumilip sina Ishan sa kwarto para magpaalam sa akin kaya lumabas na rin ako para ihatid sila.

Hindi na sila hinatid ni Rave sa lobby dahil katwiran nya, bebe time na namin.

Mabilis akong tumalon ng yakap dito at agad niyang nabuhat. Hindi na iyon kataka-taka dahil malaki talaga si Rave at kayang-kaya niya akong buhatin nang walang kahirap-hirap.

Ang isang patak ng halik ay nauwi sa mahabang halikan na sinamahan pa niya ng dila hanggang sa maramdaman ko na lang ang paglapat ng aking likod sa malambot naming higaan.

Strings Not Too AttachedWhere stories live. Discover now