Dapat lang dahil maging ako ay hindi siya ikinakahiya.

"Bilisan mong umuwi, ah? Gusto kong mag-bebe time."

Ngumiti siya. "Yes, kumander!"

Naisipan kong dumiretso muna sa supermarket para bumili ng mga kakailanganin ko sa lulutuing ulam.

Gusto ko na rin sanang mag-grocery pero napagkasunduan naming sabay namin iyong gagawin kaya iyong kakailanganin ko lang muna ang binili ko.

Dahil paborito ni Rave ang kaldereta, iyong beef steak ang lulutuin ko. Iyon kasi ang paborito kong ulam at bukod sa mga instant noodles at prito, iyon lang din ang alam kong lutuin.

Gusto ko mang lutuan siya ng paborito niya, baka imbes na mabusog siya ay piliin niya pang huwag nang kumain kaya saka ko na lang iyon lulutuin. Magpapaturo na lang ako kay nanay kapag nakauwi ako ng Cavite.

Nagbihis lang muna ako pagkauwi ng unit ni Rave bago nagsimulang magluto. Nagawa ko pang mag-ayos at maglinis ng bahay roon dahil ang tagal lumambot ng baka.

Nang matapos magluto ay naisipan kong mag-picture. Kinuha ko ang mangkok na may lamang beef steak at nag-selfie.

Isinend ko iyon kay Rave. Siguradong pauwi na iyon dahil mag-aala-siyete na.

Cadence Perez:

Dinner is ready. Uwi ka na po, mahal :)

Mabilis naman siyang nag-reply. Active now, ah? Mukhang pauwi na nga.


Raven Verancia:

Ang sarap naman ng dinner ko, naka t-shirt na white.

Kusang bumaba ang tingin ko sa suot. Naka-loose white t-shirt ako ni Rave, sa kaniya 'to at mas komportable kasing suotin ang damit niya dahil mas malaki sa akin.

Dinner daw.

Gago 'to, ah? Gusto araw-araw?

Sige.

Cadence Perez:

Kaya bilisan mong umuwi nang matikman mo...'yong beef steak.

Ngumisi ako at hindi na hinintay ang reply niya. Nag-ayos muna ako ng itsura bago nagsimulang maghain para sabay na kaming kumain.

Hindi ko naman hilig ang magluto at mag-astang parang asawa dahil sa totoong buhay ay tamad akong tao, pero ngayong ginagawa ko ito at naiisip na matutuwa si Rave, parang gusto ko na lang gawin araw-araw.

Sa sobrang excited ko nga ay nagawa ko pang kumanta-kanta roon na akala mo'y walang plates na naghihintay sa akin na bukas na ang deadline.

'Di bale, patapos ko naman na iyon kaya hindi ko na rin kailangang alalahanin.

"Yes, mahal? Pauwi ka na?"

"Mahal, pwede bang sa unit kami gumawa ng midterm project? I am with Tristan and Ishan with our other groupmates," paalam niya.

Bakit naman sa akin siya nagpapaalam, e, unit niya naman ito?

"Ikaw ang bahala, unit mo naman ito," nagawa ko pang tumawa kahit alam kong nadismaya ako.

Mukhang hindi nya naman napansin ang pagkadismaya ko.

"Okay, love. Thank you. We're on our way home."

"Kaunti lang ang naluto kong ulam, Rave. Dumaan na lang muna kayo sa malapit na kainan or what."

"Hindi ko naman talaga ipapatikim sa kanila ang luto mo. Akin lang 'yan," pagdadamot niya.

Kahit paano ay nagawa kong kumalma dahil sa sinabi niya. Alam na alam niya sigurong sobrang hina ng puso ko pagdating sa kaniya kaya ang bilis kong matunaw.

Pero mayroon pa ring bahagi sa akin ang nadidismaya. Gutom na gutom na kasi ako pero hinintay ko sya para sabay na kaming kumain nang kaming dalawa lang.

Hindi ko naman isinusumbat dahil wala naman siyang sinabing hintayin ko siya pero ewan, hindi ko rin alam kung bakit ako ganito ka-sensitive ngayon.

Wala sa sariling kumuha ako ng sariling pagkain at mabilis iyong kinain.

Kanina nang tikman ko iyon ay masarap naman, pero ngayon parang ang pait na ng nalalasahan ko.

Nahalo ko ba sa ingredients nito si Cedrix? Ang bitter, e.

Tahimik akong nakaupo sa sofa nang bumukas ang pinto at unang nakita si Rave.

Imbes na asikasuhin sa pagpasok ang mga bisita ay mabilis itong yumuko upang patakan ako ng tatlong magagaan at masusuyong halik.

"Putangina naman oh! Respeto naman. All I need is respect!" parang umaarteng sinabi ni Tristan.

Ngumisi naman ang kaibigan na ngayon ay nakayuko pa rin sa harapan ko. "Then go and get your man."

"Masama ang mood no'n, inaway ni Cadence kaya pati sa akin galit."

Huh? Bakit ako?

"Ako?" inosente kong tanong.

Umiling si Rave at umisang halik pa. "Wala 'yon, huwag mong pansinin ang baliw na 'yan."

Isa-isa na ring pumasok ang lahat ng mga groupmates niya at tatlong hindi ko kakilala iyon.

Dalawang babae at isa pang lalaki ang naroon.

Inakbayan ako ni Rave. "Asawa ko, guys."

Putangina.

Tangina.

Kingina.

Parang kamatis sa pula ang mukha ko, sigurado ako. Bakit kasi ganoon ang pakilala? Pakakasalan ko talaga ito nang wala sa oras kakaganiyan niya.

Patago kong kinurot ang bewang nito bago hilaw na ngumiti sa kaniyang mga bisita.

"Sa kwarto na lang muna ako para hindi kayo maabala, gagawa rin ako ng plates."

"Kumain ka na ba?"

"Oo, hindi na kita hinintay no'ng sinabi mong darating ang mga kaklase mo."

Nagpaalam na ako sa kanila at tuluyang pumasok sa loob ng kwarto. Maya-maya ay sumunod doon si Rave, nakakunot ang noo sa akin.

Hubad na ang kulay maroon nilang polo shirt at ngayon ay kita na ang itim na t-shirt na humuhulma sa masara — perpektong laki ng katawan niya.

Ginapang nito ang pagitan namin bago ako ikulong sa kaniyang bisig.

"Galit ka," untag nito.

"Hindi kaya."

"Kilala kita, Cadence Kyle. Kilalang-kilala ko na 'yang mga ganiyan mo kaya alam kong galit ka."

Nagtaas ako ng kilay. "Ba't andito ka pa? Magpalit ka na at gumawa na kayo ro'n, tatapusin ko rin iyong plates ko."

Sa totoo lang ay nawala naman na talaga ang irita ko sa kaniya kanina. Ipakilala ba naman ako bilang asawa niya? Tunaw na tunaw talaga.

"Paano ako makakapag-focus sa gagawin namin kung alam kong nagtatampo ang asawa ko?"

Ayan na naman. Inulit pa talaga.

"Hoy, Rave! Huwag mo ngang ginagawang biro ang salitang iyan!" pagsuway ko rito.

"And who says that I'm joking?"

"E, bakit mo ako pinakilalang asawa ro'n kanina? Bakit? Asawa mo na ba ako?"

Humalik siya nang humalik sa akin ng paulit-ulit na tila walang kasawaan.

"Pagkatapos kong mag-aral, aasawahin na talaga kita kaya dapat lang na masanay ka na."

Strings Not Too AttachedWhere stories live. Discover now