Ang ending, wala halos lahat nakapasa sa amin at hindi naman ako apektado roon dahil halos lahat namin kami ay bokya talaga ang naging score.
"Minsan talaga ang sarap ding tumiris ng prof, 'no? Mas matumal pa sa lovelife ko kaysa sa magturo amp," reklamo ni Cedrix.
Nginuso naman ni Jacob si Paulo na doble na ngayon ang iritasyon sa mukha. "Kawawa naman 'yong tropa natin do'n, walang karamay sa itlog niyang score."
Nagtawanan sila ni Cedrix na mukhang narinig ng isa dahil lumingon. Nagulat ako nang pasimple nitong itinaas ang gitnang daliri.
Dahil sa ginawa ni Paulo, mas lalong lumakas ang tawa ng dalawa kaya nakitawa na rin ako.
Nagulat ako nang mag-chat ito sa GC namin.
Paulo Mendoza:
Huwag kang tumawa, Cadence. Hindi ka kasali sa pinakyuhan ko.
Putangina?
"Pfft!" hindi na napigilan ni Jacob ang matawa nang mabasa iyon. "Tangina! Anong arte 'to, Mendoza?"
Lumingon din ako kay Paulo, natatawa. Pero ang hayop ay inirapan lang ako at nag-iwas na ng tingin.
Nang matapos ang klase ng alas-kwatro ay walang pasabing umalis si gago. Kahit ganoon, kampante akong isa sa mga araw na ito ay mawawala rin ang galit niyan.
Hindi naman kami niyan matitiis, e.
"Sige na, sundan nyo na. Hihintayin ko pa si Rave dahil mamayang ala-singko pa sya."
"Sigurado ka?"
"Iwan na natin 'yang mayabang na 'yan," sabay hila ni Cedrix kay Jacob.
"Ang ampalaya kinakain, hindi inuugali, pre. Sige na, umalis ka na at magmukmok sa unit mo kasi tatanda ka nang single."
Ipinakita nito ang gitnang daliri sa akin bago tuluyan silang sumunod kay Paulo. Iiling-iling naman akong dumiretso sa lounge kung saan ako maghihintay kay Rave.
Nasa bente minutos na rin akong naghihintay roon nang mag-vibrate ang cellphone ko.
Rave:
Mahal, medyo matagal pa 'to. Can you still wait? Or you want to go home first? Pwede mong kunin ang susi sa akin, sasabay na lang ako kila Ishan mamaya.
Gusto ko sana siyang hintayin dahil wala namang kaso iyon sa akin kaso nagugutom na ako at naisipan kong ipagluto naman si Rave dahil sya na lang ang palaging nagluluto para sa aming dalawa.
Baka sabihin niya puro na lang pagbukaka sa gabi ang ginagawa ko.
Cade:
Okay, akyat ako riyan.
Rave:
No, ako na.
Cade:
Ok.
Inayos ko na ang gamit ko at sa labas na ng lounge naghintay. Hindi naman na ako naghintay nang matagal dahil dumating na rin siya agad.
Halatang tinakbo niya ang distansya namin para mas mabilis makapunta. Mabilis itong nagnakaw ng halik sa aking pisngi bago inabot ang susi ng kaniyang sasakyan sa akin.
"You know the passcode, right? Do you want me to drive you home?"
"Baliw ka ba? On going pa ang klase mo, bakit mo ako ihahatid?"
"Sigurado ka?"
Tumango ako at hinatid niya pa sa parking lot habang hawak-hawak ang kamay ko. Hindi na talaga siya nahihiya.
String 33
Start from the beginning
