Patapos na kami kumain noong dumating sina Rave, magkaiba kasi ang oras ng lunchbreak namin.

Agad nagsipag-ubuhan ang dalawang baliw sa likod ko nang makita ang paglapit nito.

"Oo na, lalabas na kami. Alam ko namang kailangan niyo na naman ng bebe time in public," sabi ni Cedrix.

"Buti naman may nagawa rin kayong tama."

"Ulol!"

Nauna na ngang lumabas ang dalawa. Si Ishan at Tristan naman ay parang walang nakikita at umaaktong walang Rave at Cadence sa harapan nila.

Mabuti na lang din at walang ibang tao rito sa lounge kaya nabawasan ang hiya ko.

"Kumusta sa klase nyo? Wala ba silang naging problema?"

Alam kong alam niya ang tinutukoy ko.

Inayos niya ang buhok ko na palagay ko ay nagulo dahil tinamaan ng hangin mula sa ceiling fan.

"I don't give a damn about them, mahal."

Naks, inglesero.

"Pero nagkaproblema nga?"

Umiling sya. "Wala naman. Ingatan daw kita at huwag saktan para hindi maapektuhan ang laro mo sa susunod na UL season," sabi niya nang natatawa.

"Ako rin tanggap naman sa klase namin. Naiinggit pa nga sila kasi nakuha raw kita," sabay irap dahil paniguradong lalaki na naman ang ulo niya.

"Mas maswerte ako kasi sinagot mo ako," ayaw niya talagang magpatalo.

"Mas maswerte sana kung lalayo kayo nang konti kasi rinig na rinig namin, e," sarkastikong sinabi ni Tristan.

"Get a room, Rave, parang gusto mo nang sunggaban ang boyfriend mo, e," napapailing si Ishan nang sabihin iyon.

Para akong nangamatis sa pula at nahampas ang kanang braso ni Rave na tumatawa lang. Wala itong naging pakialam sa sinabi ng mga kaibigan at mahigpit lang akong niyakap.

"Ang dami kong plates, mahal, kailangan kong magre-charge ng energy," tukoy nya sa pagyakap sa akin.

"Marami rin kaming plates dahil midterm na sa huwebes."

Tinapos namin sa mabilis na halik sa labi ang usapan bago ako lumabas at naroon ang mga
nakabusangot na mukha nina Cedrix at Jacob.

"Akala namin maghihintay pa kami ng isang oras hanggang sa langgamin na lang kami rito, e," bitter na sabi ni Cedrix.

Bakit ba sobra namang bitter ng isang 'to? Iba rin ang nararamdaman ko, e.

"Bakit ang bitter natin diyan, kaibigan? Hindi ba masaya ang puso mo sa nilalandi mo?"

"Oo nga, may nilalandi ka sabi mo, 'di ba? Anong nangyari?"

Umirap si Cedrix.

Confirm, hindi nga maganda ang love life ni gago kaya parang ampalaya sa pait ang itsura.

"Ang hirap niyang intindihin. Friends lang daw kami kaya kahit ayoko, binigay ko. Tapos tangina biglang nagalit kasi ba't daw hindi na ako nangungulit? Bakit, may friends bang nangungulit pa rin? Oh, 'di ba? Ang gulo!"

Sinabunutan ni Cedrix ang bagong gupit niyang buhok at hinilamusan pa ang mukha sa sobrang frustration.

Tinapik-tapik ni Jacob ang balikat niya. "Iyan ang tinatawag na karma, pre."

Tinawanan namin siya habang pabalik ng department namin para sa susunod na klase.

Katakot-takot na long quiz ang inabot namin sa isa naming subject na hindi talaga in-expect ng lahat dahil wala namang nabanggit ang prof at mas madalas pa kaming mag-sex ni Rave kaysa sa bilang ng nagturo siya.

Strings Not Too AttachedWhere stories live. Discover now