Dahil wala akong magawa, nagpunta na lang ako sa Tiktok at doon inaksaya ang oras. Halos lahat ng nasa newsfeed ko ay patungkol sa UL.

Marami kaming highlights doon at gusto ko na lang basagin ang screen ng cellphone ko kapag nakikita kong puro pang lba-bash ang nakuha ko sa last game namin, ibang-iba noong mga nakaraan.

.

puro papogi naman 'tong si Perez, walang laro amp.


Okay lang, at least pogi.

Nagsimulang umingay ang messenger ko nang mag-request ng video call si Jacob. Si birthday boy na iniwan kami dahil susunduin daw ang nililigawan at hindi na bumalik.

Napalingon si Rave roon, ipinakita kong ang GC namin ang tumunog kaya tumango siya.

Ang seloso?

Cute.

"Nasaan kayo?"

"Pilipinas."

"Condo."

Sabay naming sagot. Si Paulo ay nakita kong nasa kaniyang sasakyan, ang aga naman nito umalis? Pero nang titigan ko ang suot niya ay ito pa ang suot niya kagabi.

Pauwi pa lang siya? Saan siya natulog?

Si Jacob naman ay nakahiga pa, siguradong kagigising lang habang si Cedrix ay kumakain.

"Pauwi ka pa lang, Pau?" si Jacob ang nagtanong no'n.

Busangot na naman ang mukha. "Obvious ba?"

"Saan ka natulog kagabi? Hindi na rin kita nakita kagabi, e."

Pasimple lang ang tingin niya sa camera dahil nagmamaneho siya. Ang aga-aga badtrip na siya, maagang tatanda ang itsura nito. Palaging galit, e.

Hindi niya kami sinagot. "Ikaw, sa'n ka natulog? Hindi niyo 'yan dorm, ah?"

"Kay Rave," matapang kong sagot.

Si Jacob na nakahiga pa ay napabangon, si Cedrix na kumakain ay nabulunan, habang si Paulo na nagmamaneho ay napapreno.

Ganoon sila ka-OA.

"Gago anong ginagawa mo sa unit niyan? Gago ka na ba talaga, pre?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jacob.

"Sapilitan ba 'yan, pre? Aabangan namin 'yan bukas, ano?" si Cedrix iyon.

Umirap ako. "E, tangina niyo! Alam niyo namang hindi ako makakauwi sa dorm pero iniwanan niyo ako para sa mga kalibugan at kalandian ninyo edi wala akong choice," asik ko.

Para naman silang maaamong tuta roon dahil alam nila sa sarili nilang tama ang sinabi ko. Alam naman nilang hindi ako sa dorm uuwi pero ang mga tarantado, nang-iwan.

Paano na lang kung hindi kami naging maayos nitong si Rave? Edi mag-ho-hotel pa ako?

"Sorry na, pre, huwag ka na magtampo."

Itinaas ko ang gitnang daliri ko at tinawanan lang nila ako. Kahit paano pasalamat na rin ako dahil umalis sila, nagkaroon tuloy ako ng dahilan na matulog kasama si Rave.

Hindi na nagtagal ang usapan dahil lahat kami ay may mga hang-over pa. Medyo masakit pa ang ulo ko pero hindi naman iyon malala.

Nakita kong naghuhugas na ng pinggan si Rave at tahimik lang siya roon. May kung ano sa akin ang nagtulak na tumayo at lumapit sa kaniya. Akala niya nga may gagawin lang ako ngunit naramdaman ko ang gulat niya sa pagyakap ko.

"Bakit ka nangyayakap?"

"Bakit? Ayaw mo?"

"Sinasagot mo na ba ako?"

Etong lalaking 'to napaka atat! Darating din tayo riyan, huwag mo namang ipahalata sa lahat na gustong-gusto mo ako.

"Ganito talaga akong ka-sweet na kaibigan," sagot ko, nang-aasar.

"Are you rejecting me? Perhaps, friendzone?"

Bakit galit?

Kahit nakayakap sa kaniyang likuran ay nagawa kong silipin ang mukha niya at tama nga akong nakasibangot iyon.

"What if oo?"

"Baka pwedeng friends with benefits na lang?"

Humirit pa.

Inalis ko ang pagkakayakap ko at kinurot ang tagiliran niya. "Ang bastos!"

Tawang-tawa siya. "Anong bastos do'n? Friends with benefit, as in friends pero nagho-holding hands, nagyayakapan, gano'n. Bakit? Ano bang iniisip mo?"

Oo nga naman, iyon nga 'yon, Cadence. Ano bang nasa isip ko? Iyong parang friends pero nagse-sex?

Tangina ka! Nakakahiya 'yang utak mo!

Bastos!

Pinatay nito ang gripo at nagpunas ng kamay bago nakangising lumapit sa akin. Ako naman si atras hanggang sa tumama ang likod ko sa extended kitchen sink niya.

Malas naman.

Kinulong niya ako roon. "Ganoon ba ang gusto mong set-up, huh?" mapanukso niyang tanong sa akin. "Pwede naman kaso sa bandang huli, hihingin ko pa rin ang kamay mo."

"Anong ibig mong sabihin?"

Mabilis itong humalik sa aking noo. "Ayos lang ba sa'yo ang sobrang clingy? Hindi ko maiwasan, gusto kita palaging hawakan," he asked, completely changing the topic.

Clingy rin naman ako. Kung pwede nga lang kahit saan magkasama kami ay baka ginawa ko na lalo pa at kapag tumagal na kami.

"Hindi ako magrereklamo," sagot ko.

He smiled, hugging me and sniffing my neck.

"Thanks for allowing me to be this close to you, Cadence."

Strings Not Too AttachedWhere stories live. Discover now