"Hindi mo pa ako napapansin, gusto na kita. At hindi mo pa ako gusto, hulog na hulog na ako sa'yo. Now, tell me, hindi pa rin ba ako sigurado sa'yo, Cadence?"

Iyon lang.

Iyon lang naman ang gusto kong marinig mula sa kaniya. Na mahalaga ako. Na gustong-gusto niya rin ako at sigurado na siya sa akin at sa nararamdaman niya.

Sapat na iyon.

Ako ang kusang lumapit sa kaniya para yumakap at mahigpit naman niya iyong sinuklian.

"Thank you, Rave."

"Thank you lang? Walang kiss?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi pa kaya tayo!"

"Edi sagutin mo na ako para tayo na," hirit niya naman.

Ang talino talaga.

"Ayoko nga! Pahihirapan muna kita," biro ko, hindi ko naman iyon gagawin.

Kapag nakita ko siyang nahihirapan, nahihirapan din ako.

"Biro lang. Kahit kailan mo gustong maging tayo, ayos lang. Kaya ko namang maghintay."

Huwag kang mag-alala, Rave, hindi naman ako magpapahintay nang matagal.

Marami pa kaming napag-usapan doon, maliban na lang sa mga masasakit na salitang sinabi ko sa kaniya.

Hindi ko pa kasi kayang pag-usapan iyon nang hindi naiiyak. Nakokonsensiya pa rin ako sa kung paanong ang tanga-tanga ko na mag-conclude at magdesisyon ng ganoon.

Kinabukasan ay alas-onse na ako nagising ngunit wala nang Rave sa tabi ko.

May note pa akong nakita sa tabi ng unan.

You can use my essentials. May bagong toothbrush din diyan, 'yong kulay pula. Andito ako sa sala, hinihintay ka para sabay na tayong kumain.

Sarap asawahin.

Naghilamos na nga ako at nag-ayos doon. Binasa ko na rin ang buhok ko para preskong tingnan kahit paano.

Nang matapos ay lumabas ako at dumiretso sa sala. Nakita kong nakatalikod ito, nagpu-push-up at walang suot na pang itaas.

Alam ko namang malaki siya. I mean bukod sa matangkad siya, e, hulmadong-hulmado ang katawan niya pero hindi ko naman inakalang ganito talaga kahulmado.

Kahit nakatalikod ay kita ko kung paano mag-flex ang muscles niya sa braso at likod.

Paano pa kapag humarap na 'yan?

Mukhang narinig niyang gising na ako dahil tumigil siya sa pagpu-push-up at hinarap ako.

Confirm, may anim na pandesal.

"Where are you looking at? My body?"

"Ang kapal ng mukha mo!"

Pinunasan niya ang sarili niya bago nagsuot ng plain t-shirt. Hinatak ako nito at niyakap sabay halik sa aking basang buhok.

"Morning!" bati nya.

"Good morning!" bati ko pabalik.

Maaga nga siya nagising kaya nakapagluto na siya ng agahan at habang hindi pa ako nagigising ay nag-work-out muna siya.

Gaya dati, hindi niya pa rin ako pinayagang maghugas ng plato roon. Tinakot ko pa nga na kung hindi niya rin ako patutulungin sa gawaing bahay kapag narito ako sa unit niya, hindi na lang ako pupunta.

"Okay, fine! But that would be applicable the next time you'll come."

Mabilis naman pala siyang kausap, e.

Strings Not Too AttachedWhere stories live. Discover now