Hehe.

Sabay kaming naligo. Ang ibig kong sabihin, pinaligo niya ako sa kaniyang banyo habang sya naman ay naligo sa banyo sa kusina ng unit nya.

Pinahiram niya ako ng gamit at damit. Maging underwear ay walang hiyang hiniram ko na rin, although bago pa naman iyon.

Gusto ko nga sana 'yong gamit na, e. Joke.

"Bakit?" tanong ko.

Ngiting-ngiti siya nang lumabas ako sa kaniyang banyo suot ang damit niya. Naka-loose shirt lang din siya at itim na boxers.

"My clothes looks so good on you. Dito ka na lang kaya tumira sa'kin?"

Gustuhin ko man, kailangan mo muna akong pakasalan.

Hala! Si bading nag-inarte.

Pero ang sarap sigurong maikasal sa taong mahal na mahal mo 'no? At ipinagdarasal ko na sana lahat ng tao maranasan ang maikasal sa taong hindi lang basta mahal sila, kundi sa mga taong hindi sila kayang saktan sa kahit na ano mang aspeto.

Itinaas niya ang magkabilang braso sa ere kaya wala akong inaksayang oras at gumapang sa kaniyang kama para yumakap sa kaniyang dibdib.

Ipinahinga ko ang aking ulo sa kaniyang dibdib habang yakap ang isa't isa.

"Cade?"

"Hmm?"

Hindi siya sumagot. Hindi ko naman magawang lingunin siya dahil sa pwesto namin. Hinintay ko na lang siyang magsalita.

"Cade?"

"Hmm?"

Rinig ko ang ngisi niya. "Wala lang, gusto ko lang banggitin ang pangalan mo."

Minuto na naman ang lumipas nang walang nagsasalita sa aming pareho.

Tumingin ako sa kaniyang orasan, maga-alas dos na ng umaga. Kung normal na araw ko lang 'to, paniguradong nasa malalim na akong pagtulog ngunit dahil si Rave ang kasama ko at bago pa sa amin ang lahat, hindi kami pareho makatulog.

Kahit pa nga isang linggo akong walang tulog basta manatili lang kaming ganito, hindi ako magrereklamo.

Umayos ako ng upo habang siya ay nanatili ang mga kamay sa aking hita. Bahagya pa rin siyang nakaupo at nakasandal sa headboard ng kaniyang kama.

"Hindi ka ba nabibigla kaya sinasabi mong gusto mo ako?"

Naguluhan ako nang magbilang siya sa kaniyang daliri at ipakita sa akin ang anim na daliri niya.

"Anim na taon, Cade. Anim na taon kitang gusto kaya sigurado akong hindi ako nabibigla. Ikaw, nabibigla ba kita?"

Tumango ako. Nakita ko ang pag-aalala sa ekspresyon niya ngunit agad kong hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa aking hita at iyon ang pinagmasdan.

"Pero masarap sa pakiramdam, Rave. Nagulat lang ako kasi hindi ko naman inakalang gusto mo ako at matagal na pala... pero gusto ko, gusto ko ang paraan ng pambibigla mo," sagot ko.

Ayaw niyang magpatalo at hinahalikan na naman niya ang kamay ko. Oo na, siya na ang mas sweet.

"Sigurado ka na ba sa akin?"

Ang dami kong ino-overthink pero pagkatapos ng tanong na ito, sisiguraduhin kong wala na akong ibang iintindihin at iisipin kundi ang tungkol na lang sa amin. Iyong puro positibong bagay na lang.

"Gusto mong malaman kung gaano ako kasigurado sa'yo?"

Tumango ako.

Gustong-gusto.

Strings Not Too AttachedWhere stories live. Discover now