"Uwi na tayo?" pag-uulit ko.

Masuyo niyang hinalikan nang mabilisan ang tuktok ng ulo ko kahit pa may suot pa rin akong sumbrero.

"Uwi ka na sa'kin," sagot niya.

Walang pagdadalawang-isip akong tumayo at ganoon din siya. Wala nang tao sa table namin, maging gamit ng mga kaibigan ay wala na kaya kampante kaming umalis doon.

Sa paglabas namin ng bar, wala man lang ni isa sa mga kaibigan naming pareho ang nakita ko.

"Nandito pa ang sasakyan ni Tristan, ah?" puna ko sa itim na fortuner hindi kalayuan sa sasakyan ni Rave.

Tumango siya, nakangiti.

Sasakay na sana ako sa loob nang makita ang paggalaw ng sasakyan niya. "Rave, bakit gumagalaw?"

Tiningnan niya rin iyon at tila may napagtanto saka ako mabilis na isinakay sa loob ng sasakyan niya. Inilagay niya pa ang kanang kamay sa aking ulo para siguraduhing hindi ako mauuntog.

"Wala talagang kahihiyan ang gago," rinig kong bulong nito bago umikot sa driver's seat.

Nilingon ko pa muli ang sasakyan ni Tristan na walang tigil sa paggalaw. Ano kayang nangyayari ro'n? May sumasayaw?

"Stop staring, he's probably having a good time."

Sa sinabi ay tila may napagtanto rin ako. Kasasabi ko pa lang na paligsahan sa babae si Paulo at Tristan, e, malamang may maho-home based na ang isa sa kanila.

Si Paulo kaya? Humo-home based na rin kaya ngayon? Nasaan siya? Sa kotse niya rin? Pero tahimik ang kotse niya. Baka nasa banyo.

"Okay lang ba talagang iwan natin ang mga kaibigan mo?"

Ako kasi ay siguradong hindi lasing ang mga kaibigan ko kaya makakauwi iyon nang buhay sa kanilang mga tirahan.

"Ayos na ayos lang, pabor pa nga sa kanila," hindi matanggal ang ngisi sa labi nito nang sabihin iyon na parang may alam siya.

Nag-iwan pa rin ako ng message sa GC namin kung sakaling maalala pa nilang may kaibigan silang iniwan nila roon kanina.

"Wow!" sarkastiko kong sambit.

Pinagla-like lang ng mga deputa ang message ko sa GC namin. Ganoon ba talaga sila ka-busy ngayon at wala silang pakialam sa kaibigan nila?

Okay lang, nasa mabuting kamay naman ako. Heto nga at inaabot niya ang kamay ko.

"Para saan?"

Umirap siya at basta na lang kinuha ang kamay ko at muling pinagsalikop iyon habang ang kaliwang kamay niya ang nagmamaneho.

"Ang tagal ko 'tong hinintay, Cade."

Ako rin naman, Rave. Ang tagal ko ring pinangarap ito pero kapag naiisip kong mas matagal siyang nangarap at nagtiis — lalong umiinit ang puso ko.

Sinong mag-aakala na habang nangangamba akong hindi niya ako magugustuhan — heto siya — matagal na pa lang nasa akin ang tingin.

Lahat pala ng ginagawa niya ay talagang may ibig sabihin at hindi lang basta ilusyon ko lang. Kapag naiisip kong pinagsalitaan ko siya ng masasakit na bagay ay naiiyak na lang ako.

"Baby, don't look at me like that, I'm driving."

Baby raw.

Baby ako ni Rave. What the fuck kayong lahat!

Nakarating kami sa unit niya nang hindi inaalis ang magkahawak naming mga kamay. Kulang na nga lang ay pati sa pagligo ay isama niya na ako.

Hinay-hinay, darating tayo riyan.

Strings Not Too AttachedWhere stories live. Discover now