Kahit pa matagal na niya akong gusto, at matagal-tagal na rin ang nararamdaman ko sa kaniya, mas mabuti pa ring dumaan kami sa hakbang ng pagkilala sa isa't isa.
Naniniwala kasi ako na may tamang panahon, pagkakataon, at timing ang magandang relasyon. Sa ngayon, kailangan naming magpundar ng maraming oras, effort, at pasensya na kilalanin ang isa't isa para sa oras na handa na kami, magiging matibay ang pundasyon ng relasyong bubuuin namin.
The relationship we have and we will have is too pure and sincere. Gusto kong panatilihin iyong matibay sa matagal na panahon. Ayokong magpadalos-dalos.
Hindi ko kayang i-take risk ang relasyong 'to. Kailangan kong alagaan. Kailangan naming alagaan.
"Galingan mo ang panliligaw mo para makasama mo na ako palagi."
"So, I won't see you everyday because we're not officially in a relationship yet?" tanong niya.
Sa clingy niyang 'to siguradong kahit sabihin kong huwag muna kami magkita ay gagawa siya ng dahilan para makita namin ang isa't isa.
Ang cute-cute mo, Rave.
Hintayin mo lang ako. Hintayin mo lang ako dahil hindi magtatagal ay ako naman ang aamin, at sisiguraduhin kong sa pag-amin ko, uuwi tayo na parehong taken.
"Ang tagal mo!"
Nakangisi ako. "May nakita akong cute sa parking lot, kinausap ko muna."
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko.
Rave:
Cute lang?
Ngumuso ako. Sobrang clingy, magkaharap lang kami ng upuan nagte-text na agad.
Cadence:
Cute at pogi :)
Pasimple niya akong kinindatan sa reply kong iyon at awtomatikong nilingon ko ang mga kaibigan ko ngunit wala naman silang pakialam doon.
Habang palalim nang palalim ang gabi at parami nang parami ang alak na naiinom namin, mas nararamdaman ko ang kasabikan kong kausapin at yakapin si Rave.
Hindi ko alam kung paano nangyaring natira na lang kaming dalawa rito. Basta ang alam ko, si Jacob ay sinundo sa baba ang nililigawan niya habang si Cedrix naman ay nagbanyo at hindi na nakabalik.
Si Paulo? Ayon, paligsahan na naman sila ni Tristan sa babae. Hindi na talaga magbabago iyon.
Nagtitigan kami.
Tinapik niya ang space sa gilid niya at walang pagdadalawang-isip akong umupo roon. Inakbay nito ang kaliwang braso sa akin at isiniksik pa ako sa kaniyang dibdib.
Wala akong takot na nakikita sa kaniya. Hindi siya takot kung babalik ang mga kaibigan namin at makikita kami sa ganitong ayos.
Hindi rin siya takot bigyan ng mapanghusgang mga tingin ng mga narito at iyong bagay na 'yon ang mas lalong nagpapahulog sa akin sa kaniya.
Kung hindi si Rave, makakahanap pa ba ako ng lalaking buong tapang akong hahawakan sa harap ng maraming tao?
Wala na.
Si Rave lang.
"Uwi na tayo," malambing na sinabi nya.
Alam kong ang unit niya ang tinutukoy niya. Sa totoo lang ay wala naman talaga akong balak matulog sa dorm dahil siguradong bukod sa walang tao roon dahil sa lunes pa ang training namin, e, anong oras na rin.
Balak ko sana talagang kina Paulo makitulog o kay Cedrix dahil nagbabala na si Jacob na bawal sa unit niya. Siguradong may gagawin iyang kababalaghan kaya gano'n.
String 28
Start from the beginning
