Ang tagal naman kasi ni Cedrix, edi sana may ka-tandem akong uminom at manigarilyo. Iyon talaga ang smoker sa aming apat, e.

Inilabas ko ang cellphone ko at tinext siya.

Ako:

Nasaan ka ba? Ang tagal mo, uuwi na lang ako.

Hindi naman agad ako nakatanggap ng reply niya kaya ibinalik ko na iyon sa aking bulsa.

"Tangina naman."

Anong ginagawa niyan dito? Nakikipaglampungan siya sa babae niya kanina, ah?

"Can we talk?"

Humithit ako ng sigarilyo ko, hindi pinansin kung gusto niya ba ang amoy o usok no'n.

"Ba't mag-uusap?"

"Kasi may pag-uusapan."

"Anong pag-uusapan?"

Lumapit ito nang tuluyan sa harap ko habang ako ay nakaupo sa gilid ng isang puno.

Ang sarap niyang kandungin, gusto ko na lang siyang lambingin kapag ganitong ang lapit-lapit niya sa akin.

Kaso hindi pwede.

"Tungkol sa'tin."

Nanliit ang mga mata ko. Ano na namang mixed signal ang ibinibigay ng gagong 'to.

"What about us?"

"Cade, hindi naman tayo ganito dati. Hindi ka ganito noon, maayos naman tayong nag-uusap. Bigla ka na lang umiwas. Bigla ka na lang nagagalit. Bigla kang ganiyan! "

"Anong ganiyan?"

Ang gulo niya kasi. Lahat ng ginagawa at sinasabi niya magulo. Hindi tumutugma ang sinasabi niya sa inaakto niya.

"Ayan! Para kang walang pakialam sa akin!"

Ako? Ako pa ngayon ang walang pakialam sa kaniya?

Siya nga itong walang paki sa akin dahil hindi niya alam na kakaganyan niya, may Cadence na parang siopao ang asadong-asado sa kaniya.

Ang sarap magsiopao pagkatapos nito, bagay na bagay sa ipinaparamdam niya.

"Ano ngayon kung wala nga akong pakialam sa'yo, huh, Rave? Bakit apektadong-apektado ka?"

"Hindi ko alam," mahinang sagot niya.

Tumango-tango ako. Binitawan ko ang hawak na sigarilyo at tinapakan iyon. Pareho naming pinagmasdan ang ginawa ko bago ako tumayo at pantayan ang lebel ng tingin niya.

Iyong labi niya saktong-sakto sa tungki ng ilong ko. Ang sarap sigurong mahalikan gamit ng malalambot niyang labi.

Kaso olats, hanggang pangarap ko na lang 'yon.

Hindi ko na kayang tiisin ang magugulong salita at galaw niya. Hindi ko na siya kayang intindihin dahil mismong siya, hirap hanapin ang sagot sa mga tanong ko.

"Ayoko nang makipag-usap, Rave. Huwag mo na akong tawagan, i-chat, i-text, o abalahin pa. Basta lahat huwag mo nang gawin dahil naiirita ako. At kung pwede..."

Pumikit ako.

Kaya ko ba?

Dapat mong kayanin, Cadence.

"Layuan mo na ako at totohanin na lang natin na hindi talaga tayo magkakilala."

Umalis ako. Umalis ako nang hindi na siya nilingon pa. Hindi ko na hinintay ang sasabihin nya at mas lalong hindi ko na ginustong makita ang magiging reaksyon niya.

Takot akong sa oras na makita kong nasasaktan siya, baka maging tanga na naman ako. Baka bumalik ako sa pagiging mahina at amuhin siya at sabihing nabigla lang ako at hindi totoo lahat ng sinabi ko.

Kaya bago pa iyon mangyari, tumalikod na ako at tuluyang winakasan ang lahat ng nararamdaman ko.

"What the fuck, dude? Kung lasing ka, umuwi ka, hindi iyong naglilibot ka dahil nakakasira ka ng gabi!"

Tanginang 'to! Sino ba siya? Kung makikipaghalikan siya, dumiretso sila sa katabing hotel nitong bar hindi iyong dito sila sa tabi ng bathroom.

Alangan pigilan ko ang ihi ko hanggang sa matapos silang maglampungan?

Mga gago, amputa.

"Babe, I told you, let's go home," dinig kong sabi ng babae.

Iyon pala, e. Inaaya na palang umuwi, hindi pa umuwi.

Papasok na sana ako sa loob ng restroom nang magtama ang tingin namin ng babae. Pareho pa kaming nagulat.

Mabilis siyang ngumiti habang ako ay nanatiling gulat, hindi ko alam ang mararamdaman ko.

"Babe, what are you doing? Do you know him?"

Babe?

Tangina? Anong babe?

Iyong boyfriend mo ro'n nanggagago sa akin sa labas ng parking tapos siya narito sa gilid ng restroom ng kalalakihan at... nakikipaghalikan?

"Ikaw 'yong nakasabay ko sa elevator last week, right? Super coincidence naman!"

Confirm.

Siya nga. Siya nga talaga iyong kayakapan ni Rave noon. What the fuck is she doing? Bakit may kahalikang iba? At dito pa talaga sa lugar kung nasaan din si Rave?

Gago ako pero hindi ganito kagago.

"Are you cheating with Rave?" iyon agad ang una kong nasabi.

Gulat siya. Kahit ang lalaking nakalingkis ang braso sa kaniyang bewang ay pinanliliitan ako ng mga mata.

"Do you know my cousin?"

Cousin...

Do you know my cousin....

Paulit-ulit na nagp-play sa utak ko ang tanong niyang iyon. Anong katarantaduhan na naman ito?

Pinsan? Magpinsan sila?

No way...

Strings Not Too AttachedWhere stories live. Discover now