"Mukhang gano'n na nga. In love na 'yong dalawang tanga, e."
Ako rin naman, e, ang kaibahan lang, in love na 'yon sa iba.
Saklap.
"Cade, pare! Long time no see!"
Isang shot ng alak agad ang isinalubong nito sa akin nang makita ako. Birthday ni Rod, iyong kaklase namin no'ng senior high nina Jacob at imbitado kami.
Si Jacob hindi makakapunta dahil bebe time, si Paulo naman ay tinatamad, habang si Cedrix ay hahabol daw.
Himala nga at tumanggi sa alak iyong si Paulo.
Marami kaming napagkwentuhan ni Rod, architecture rin ang kinuha nya pero sa Western University sya nag-college.
"See you na lang sa finals, pre."
Ngumisi ako. "Sana."
"Anong sana? Kayo ang papasok niyan sa finals, number one ba naman sa standing," sabay apir sa akin. "Idol!"
Mukhang malakas na ang tama nito at kanina pa umiinom dahil bukod sa namumula na siya, sobrang touchy na rin niya.
Nariyan 'yong nakaakbay siya, nakahawak sa hita ko habang himas iyon, at kumakapit sa braso ko.
Hindi ko naman iyon binigyan ng malisya dahil alam kong wala lang din iyon kay Rod. Dati pa naman ay clingy na talaga siyang kaibigan, kahit kina Paulo ay ganito siya.
"Buti hindi nagalit ang girlfriend mo na nag-iinom ka ngayon?"
Wala naman kasing magagalit.
"Wala akong girlfriend, pre."
"Ah, talaga? Dahil ba sa volleyball? Bawal relationship?"
Umiling ako. "Hindi naman. Personal choice lang."
Personal choice? Baka no choice lang, Cade, kaya single ka. Dahil kung ikaw ang papipiliin, matagal mo nang tinaken si Rave.
Marami nang kakilala at kaibigan na dumating si Rod at dahil ayoko namang ma-out of topic doon, nagpaalam akong mag-re-restroom lang.
Hindi naman ako lasing. Maayos din ang paningin ko kaya sigurado ako sa nakita ko.
Bakit ba tila ayaw ng tadhana na mag-move on ako at lalo lang niya akong sinasaktan? Bakit naman sa dinami-rami ng araw kung kailan sila mag-ba-bar, ngayon pa?
Kitang-kita ko mula sa pwesto ko ang pagbubulungan ni Rave at ng babaeng nakita kong kayakapan niya noon sa tapat ng unit niya.
Hindi naman sila sobrang sweet pero sapat na iyong tawanan at bulungan nila para mairita ako sa nakikita.
Kung magmakaawang reply-an ko siya wagas pero mukhang masaya naman ang relasyon nilang dalawa. Sobrang paasa niya talaga.
Sobrang gago.
"Cigar, sir?"
Hindi ko inalis ang tingin sa kanila. "Dalawa, marlboro black," sagot ko sa nag-alok no'n.
Binigyan ko iyon ng isang daan at basta na lang umalis. Ang balak kong magbanyo ay nauwi sa parking lot.
Tumambay ako sa dulong bahagi no'n. Ayokong makakita ng malalanding naghaharutan sa kung saan-saang sulok ng bar na 'to at naiirita lang ako lalo.
Kung gusto nilang magharutan, bakit hindi sila umuwi sa kanila at doon maglampungan hangga't magsawa sila? Hindi iyong dito pa nila ibinabalandra ang kalandian nila.
I miss smoking.
Actually hindi naman ako smoker talaga dahil masama rin sa baga lalo at hindi dapat ako madaling hingalin sa volleyball. Madalas lang naman akong manigarilyo kapag may problema o iniisip.
String 26
Start from the beginning
