Malinaw naman na siguro sa kaniyang umiiwas nga ako dahil sa naging sagutan namin noong nakaraang araw.
Mahirap. Sobrang hirap para sa akin ng ginagawa ko kasi wala naman akong hangad kundi makita siya para mabuo ang araw ko pero wala, kailangan kong magtiis.
Kailangan ko siyang tiisin para isalba naman ang sarili ko.
"Hi, Cade!"
Kumaway si Angelic sa pwesto namin. Ngumiti ako at kumaway rin pabalik. Nakapang cheerleader outfit ito, may ensayo siguro. Malapit na rin kasi ang cheering competition, sabay iyon sa finals ng MVT.
Sinanggi agad ako ng tatlo na may mga mapanghusgang tingin. "Ano 'yan? Ang corny mo kumaway — pabebe wave?"
Pabebe wave amp. Mukha bang ako si Alden at si Angelic si Maine? Magjo-joke na lang wala pa ring kwenta, e.
"Gago!"
"Ano? Kayo na? 'Di ba nag-usap kayo niyan no'ng isang araw? Wala kang nakukuwento, ah?"
Umiling ako, itinuloy ang pagkain. "Kasi wala naman akong ikukwento."
Ayoko nang sabihing nag-confess ito sa akin at ni-reject ko dahil may nagugustuhan akong iba. Ayokong isipin na ipinagmamalaki ko pang nakasakit ako ng damdamin ng iba kaya pinili kong huwag ikwento sa kanila.
Pero noong nag-usap kami ni Angelic, mas napadalas ang pagcha-chat namin. Mas naging close kami, nakakakuha rin ako ng advice sa kaniya lalo na malaya na akong ihayag sa kaniya ang nararamdaman ko para sa kapwa ko lalaki.
Ngunit hindi ko pa rin sinabi sa kaniya kung sino dahil ayokong may makaalam. Wala na akong balak ipaalam sa iba dahil ibabaon ko na 'yon sa limot.
"Ang masikreto mo na, Cadence! " tila nagtatampo pa ang boses ni Jacob.
"Kaya nga, e. Baka mamaya makabuntis ka na nang hindi namin alam, ah? Hindi ka talaga namin tutulungan sa problema mo, tingnan mo."
Natawa ako. "Ba't makakabuntis? Wala ngang binubuntis, e," biro ko.
"Single ka pa rin?"
Unfortunately.
"Oo."
Mukha namang nakumbinsi ko sila roon dahil natigil na sila sa pagtatanong at nagbukas na ng panibagong mapag-uusapan.
Kahit paano, nagpapasalamat ako na narito ang tatlong bugok sa araw-araw ko dahil nakakalimutan ko paminsan ang nararamdaman ko lalo na sa mga walang kwenta nilang jokes na hindi ko alam saan nila napulot.
"Anong sasayawin nyo sa Anniv ng school? Panood naman, iju-judge ko."
"Lakas mo! At saka sure ka na bang sayaw nga ang gagawin namin?" nakangising tanong ni Cedrix.
Kumunot ang noo ko. "Bakit? May alam pa ba kayong gawin bukod sa sinasabi niyong talent niyo sa sayaw?"
Humalakhak sila na animo'y nagyayabang at alam na mapapahiya ako sa panlalait sa kanila.
"Hintay lang, pre, mapapanood mo rin sa Miyerkules pero bago 'yon, maglasing muna tayo sa birthday ko."
Oo nga pala, birthday na ng tarantado naming kaibigan na in-love sa sabado. Siguradong patayan ng atay na naman 'to.
"Papuntahin mo ang manliligaw mo, Cob, para hindi mo na ako gawing baby sitter mo kapag lasing ka na," sabay baling kay Cedrix. "Ikaw rin, isama mo ang nilalandi mo."
"So paano naman ako?" sabay turo ni Paulo sa kaniyang sarili.
Inakbayan ko ito. "I-baby sit na lang natin ang mga sarili natin, pre."
String 26
Start from the beginning
