Kaya bago pa man 'yon mangyari.....
"Kung hindi mo alam ang sagot sa lahat ng tinanong ko, uuwi na ako. Huwag kang magpaulan, galing ka sa sakit."
Mabilis na akong tumalikod at dumiretso palabas ng parking. Ang balak kong pumunta sa lounge para manghiram ng payong sa mga kaibigan ay hindi ko na itinuloy.
At gaya kahapon, nakisama na naman ang panahon sa nararamdaman ko. Binigyan na naman niya ako ng rason para hindi pigilan ang mga luha na sunod-sunod kumakawala sa aking mga mata.
Tila sinasabi ng ulan na hindi ako dapat mangamba na may makakita sa akin dahil tatakpan niya ako. Tatakpan ng mga likidong galing sa ulap ang mga likidong galing naman sa aking mga mata.
Hindi ko alam kung ilang beses ko na bang nasabi pero ang sakit talaga. Ang sakit-sakit ng pagmamahal.
Ang sakit magmahal.
"Yes!"
Sabay-sabay na sumigaw ang mga teammate ko sa narinig na balita mula kay coach.
Nalaman kasi naming ang University of Southern ang makakalaban namin sa semis. Ibig sabihin kasi no'n, mas malaki ang chance naming umabot sa finals.
Hindi naman sa sinasabi naming mahina ang makakalaban namin. Masaya lang kaming hindi ang Western U ang makakalaban namin dahil alam naman ng halos lahat ng tumututok sa amin na hirap talaga kami sa Western University.
Minsan nga iniisip naming nakatsamba lang kami sa kanila noong nanalo kami kaya gusto naming subukan ulit sa finals.
Dahil kami ang nanatiling una sa standing, nakuha namin ang twice to beat advantage. Ibig sabihin, kahit matalo nila kami ng isang beses ay hindi pa rin kami eliminated dahil kailangan pa nila kaming talunin ng isa pang beses.
That's the advantage.
"May laro kayo ng Miyerkules sa susunod na linggo?"
Sa biyernes ang unang laro namin sa semis at kung papalarin, sana iyon na rin ang huli dahil ayaw na naming paabutin ng dalawang beses ang laro kahit pa sabihing may twice to beat advantage kami.
Kung sakali namang manalo nga talaga kami, may isang linggong pahinga iyon bago magsimula ang game one at best of two lang iyon sa finals.
"Wala, bakit?"
"Tanga mo talaga! Sa Wednesday ang performance ng bawat department, hindi mo alam?"
"Tanga ka rin!" sagot ko kay Jacob. "Malay ko ba kung kailan 'yon, hindi ko naman kasi nilo-look forward 'yon dahil siguradong walang kwenta."
Mukhang narinig ako ng dalawa pa na palapit sa pwesto namin ngayon. Gusto sana nilang sa lounge kumain pero alam kong naroon sina Tristan kaya ipinilit kong dumito na lang.
Hindi ko nga alam kung bakit sa nagdaang araw, doon sila panay aya na tumambay kahit alam nilang naroon din ang mga engineering students.
"Hoy! Rinig na rinig namin 'yang mapanlait mong bibig, ah? Anong walang kwenta ka riyan? Palibhasa wala kang talent," angil ni Cedrix sabay lapag ng order namin.
" 'Di bale nang walang talent basta hindi kagaya ng talent niyo," sabay tawa.
"Putangina mo talaga! Kung alam ko lang na ang main agenda mo ngayong araw ay mangbwiset? Hindi ka na namin sinabay sa order."
Ngumiti ako at ngumuso. "Edi salamat, pre. Oh eto, kiss na lang kita."
"No, thanks."
Dalawang araw ang lumipas simula no'ng mag-usap kami ni Rave at panay pa rin ang tawag, chat, at text niya sa akin na sinasadya kong huwag basahin.
String 26
Start from the beginning
