Isa pa, mabait si Angelic para saktan ko nang sobra. Pero, hindi ko naman pwedeng gustuhin siya dahil lang sa naaawa akong masaktan siya at dahil alam kong wala na akong pag-asa kay Rave.

She don't deserve that kind of love. She deserve the love that is pure and genuine. Iyong hindi napilitan.

At hindi ako ang taong 'yon.

Huminga ako nang malalim. Ang hirap din pala ng kalagayan ng mga babae. Madalas na sila ang nakakarinig ng confession at nasa sa kanila kung gugustuhin nila pabalik o ire-reject ang nag-confess sa kanila.

Ngayong nasa ganitong posisyon na rin ako, ang hirap pala. Masiyadong mabait si Angelic para masaktan pero kailangan kong gawin ang tama. Kailangan kong magpakatotoo.

"Maganda, mabait, at talented ka, Angelic. Marami ring nagkakagusto sa'yo kaya nabigla ako no'ng sinabi mong ako ang gusto mo pero siyempre masaya ako kasi na-appreciate mo ako at sa totoo lang, ina-admire ko talaga 'yong mga taong matapang na inihahayag ang sarili nila nang walang alinlangan...."

Hinawakan ko ang kamay niya at nakita ko ang pamumula ng pisngi niya.

"Naiintindihan kita at pinahahalagahan ko ang nararamdaman mo pero at the same time, gusto ko ring maging honest sa'yo. I'm sorry, Angelic, but I like someone else. You don't deserve someone like me. You deserve more. You deserve so much better."

Tinitigan niya lang ako, hindi man lang kumukurap at aaminin kong natakot ako. Natakot akong baka mawala 'yong simpleng pagkakaibigan namin.

"Hindi ko gustong saktan ka, Gel, pero ayoko namang paasahin ka ng mga salita ko kung alam ko rin naman sa sarili kong may iba akong nagugustu—"

"Can you give me a hug? I feel like crying, Cade, you're so annoying!"

Wala nang sabi-sabing tumayo ako at hinila siya palapit sa akin. Mabilis siyang yumakap sa bewang ko at doon humikbi nang humikbi.

Pakiramdam ko umaalo ako ng kapatid. Ayoko talaga siyang saktan pero wala akong choice. She's really kind and soft for a rejection. I hope she meet a person who will love her all genuinely.

"Minsan na lang magka-crush, na-reject pa."

Tumawa ako.

Pareho lang tayo, Gel, rejected din ako in a lowkey way.

Tumahan na rin naman ito at nagbirong hindi ako worthy para iyakan at matanggal ang pinaghirapan niyang make-up.

"So who's the lucky girl?"

Mukha namang genuine ang pagtatanong niya at kuryoso talaga. Masaya akong hindi naging mahirap para sa aming dalawa ang usapang ito.

"You mean the lucky guy?"

Nakita ko ang paglaki ng mga mata niya. Hinampas niya ako. "What the actual fuck, Cadence Kyle?"

"Bakit?"

"Are you freaking serious? You like what? Guy? So you're gay?"

"Not totally gay, I'm bisexual."

Tumango sya. "So you're courting... him? Or the other way around? I'm sorry I'm not that knowledgeable enough about those..."

"Okay lang. Pero parehong hindi."

"What do you mean?"

"He likes someone else."

Nagulat ako nang tumawa sya. As in tawang-tawa at humahampas pa. "Mabuti nga. Kinarma ka 'no? What if sign na 'yan na tayo talaga ang para sa isa't isa?"

Umirap ako. "Ang panget ng what if mo."

Tinapos niya muna ang tawa niya bago ako niyakap.

"But, seriously, thank you, Cade, for telling me that. And I'm so proud of you. Kaso tanga ka pa rin dahil ni-reject mo ako!" sabay irap sa akin.

Hindi ko naman nabanggit sa kaniya kung sinong nagugustuhan ko. Hindi niya rin naman natanong at wala rin talaga akong balak ipaalam sa kaniya.

"What's that?"

"Payong."

Umirap siya. "Alam ko, Cade, duh! What I mean is, anong gagawin ko sa payong?"

"Mukhang uulan, sa liit ng bag mo siguradong walang kakasya riyan kundi make-up mo."

"Hala! Marupok ako, Cade! "

Binawi ko ang payong. "Sige, huwag na lang."

Padabog niya iyong kinuha sa kamay ko. "Oo na, wala na talagang chance. Swerte naman ni guy, kainis. Anyway, thanks sa umbrella. Isosoli ko na lang tomorrow."

Nagpaalam na rin ito at sinabing ako nga lang talaga ang isinadya rito sa school dahil wala silang training at pasok ngayon.

Tinanaw ko ang paalis na si Angelic hanggang sa mawala na ito sa paningin ko. Babalik na sana ako sa lounge para manghiram ng payong kina Paulo dahil mukha talagang uulan nang makita si Rave.

Anong ginagawa niyan dito? Hindi ba't dapat nasa lounge siya?

Nakita kong nakatingin siya sa nakalayo nang si Angelic. Naabutan niya kaya kaming nag-uusap? Well, ano naman? At least hindi kami nagyayakapan kagaya ng naabutan ko sa harap ng unit niya.

"Busy ka nga talaga," usal niya, walang emosyon ang mukha.

Strings Not Too AttachedWhere stories live. Discover now