Unknown Number:

Let's talk then I'll give you cash.

Tinotoo nga.

Ako:

Nag-uusap na tayo.

Unknown Number:

I want to talk to you personally. You're ignoring me.

Ako:

I'm not.

Unknown Number:

Yes, you are.

Ako:

Busy ako. Next time na lang.

Pinatay ko na muli ang cellphone ko. Masiyado na namang lumalambot ang puso ko dahil lang sa simpleng sinabi niyang iyon.

Ano, Cadence? Niload-an ka lang bibigay ka na? Tandaan mo ang nakita mo kagabi. Iba ang kayakap niya, babae ang gusto niya, at hindi ka niya gusto.

Naging effective naman ang naisip ko dahil bumalik na naman sa inis ang mood ko. Hindi ko nga alam kung paano ko nagawang intindihin ang tinuro ng prof namin dahil distracted talaga ako.

"Training ka na?"

"Magkikita kami ni Angelic," sagot ko.

Iba ang naging tinginan nila, iyong may malisya siyempre. "Uy, gagawa ka ng bagong laplap scandal, 'no? Si Angelic pala ang gusto."

"May sasabihin lang daw siya. Ang gagago niyo!"

"Sasabihin gamit bibig?"

Si Jacob ang tumingin kay Paulo. "Malamang pre, paa ba gamit mo kapag may sasabihin ka?"

Kahit wala sa mood ay nagawa akong patawanin ng sinabing iyon ni Jacob. May point naman talaga. Ang tanga rin kasi magtanong ni Paulo.

"Pakyu!"

"Kayo? Sa'n kayo?"

"Lounge, tatapusin na namin ngayong gabi kasama 'yong mga Engineering. Hanggang alas-diyes na kami rito, dumaan ka mamaya sa breaktime niyo."

Tumango ako. Mukhang natuto na nga silang tiisin ang presensya ng mga Engineering, mabuti naman nang matapos na ang bangayan at ang lounge.

Umalis na ako roon bago pa dumating sina Tristan, iiwas pa rin ako gaya ng nauna kong plano. Hindi ko naman responsibilidad na reply-an sya dahil lang sa sinend-an niya ako ng load. Hindi ko naman iyon hiningi sa kaniya, siya ang nagkusang ibigay iyon.

Dumiretso ako sa parking lot at sakto namang nakasalubong ko na si Angelic.

Mukhang wala naman siyang pasok dahil naka-civilian siya. Strict kasi ang Eastern U, kapag may klase ay dapat naka-uniform. Though, pwede ka namang makapasok sa school ng naka-civilian basta wala kang pasok that day.

"I think we should sit first."

Sinundan ko lang siya at umupo sa maliit na waiting shed. Katabi kasi ng parking ang hallway papunta sa gymnasium kaya may maliit na waiting shed kung sakaling umulan.

Walang sumubok magsalita sa amin sa unang limang minuto. Hindi ko rin alam kung paano uumpisahan. Nawala na rin kasi sa isip ko ang sinabi ni Angelic, masiyadong okupado ni Rave ang puso't isip ko nitong mga nakaraang araw.

"Uh, about my uhm... confession on my birthday party, natatandaan mo pa ba 'yon?"

Nahihiya siya nang tanungin iyon.

Actually I admire her for being brave for her feelings towards me. That is something I don't have. The confidence.

Kahit hindi siya sigurado kung masusuklian ko ba ang nararamdaman niya para sa akin, umamin at sumubok siya.

Strings Not Too AttachedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora