Mukhang alam ko na kung para saan. Tungkol siguro iyon sa sinabi niya noong birthday niya, iyong gabing binigyan ako ng kakaibang pag-asa ni Rave.
Nang ibaba ko ang cellphone ko ay nakita kong nakatingin siya. Binalewala ko iyon at hindi na siya muling sinulyapan.
Unknown Number:
Cade, are we okay?
Hindi.
Pinatay ko iyon. Bahala na kung makita niyang iniignora ko iyon. Wala na akong lakas ng loob itago pang umiiwas ako, nakakasawa nang magtago.
Unknown Number:
May nagawa ba ako? Are you mad? Can you say what did I do so we can fix it?
Kapag ba sinabi kong Hoy, Rave, gusto kita! Gustuhin mo rin ako pabalik para hindi na kita iwasan. Gagawin niya ba? Hindi naman.
At isa pa, para saan pa ang mga ganito niya? Ano naman sa kaniya kung umiiwas ako? Para namang mamamatay siya kung iiwasan ko siya. Andiyan ang mga kaibigan niya, mas close sila kaysa sa amin kaya anong kinukulit-kulit niya riyan.
Unknown Number:
You're ignoring my texts, even my presence right now. You are ignoring my whole existence.
Buti alam mo.
Unknown Number:
Please, let's talk, Cade.
"Tara na sa last sub."
Isa-isa nang tumayo sina Jacob, ako ang nahuli dahil nakatambak ang gamit ko sa lamesa kaya nauna na silang lumabas. Hindi ko talaga alam kung kaibigan ko ba sila o ano, e.
Kinabahan ako nang nakitang lumapit si Tristan sa akin. Inakbayan ako. "Magkagalit kayo?"
"Nino?"
Nginuso niya ang nakatinging si Rave. Magkahalong lungkot at inis ang nakikita ko sa ekspresyon nito, nahuli kong nakatitig siya sa kamay ng kaibigan niyang nasa balikat ko ngayon.
Binalewala ko iyon. "Ang lungkot ng bata namin, e, hindi ka raw nagre-reply."
Bakit malungkot siya?
"Wala akong load."
Sige, Cadence, tangahan mo pa ang sagot.
"Ayon naman pala," sabi niya. "Wala pa lang load, bro, load-an mo."
Nagulat ako nang sabihin niya iyon nang direkta kay Rave na ngayon ay tumango. "You can now put down your arm," sagot naman nito.
"Ops," tinanggal ni Tristan ang pagkakaakbay sa akin. "Seloso," dagdag niya pa.
Naguguluhan pa ako sa nangyayari nang sumilip na roon si Cedrix at tinawag ako. Kumindat pa.
O ako ba talaga ang kinindatan?
Tumango na ako kay Tristan. "Una na kami,. Salamat."
Naglalakad na kami papunta sa last subject namin nang tumunog ang cellphone ko.
Gago?
P1000.00 has been loaded to your mobile number 9123456789. Trace No: 1234567 07/20/2024 18:01:40.466.
Unknown Number:
You won't have reason not to reply.
Tangina talaga. Pang isang buwang load 'to, ah?
Ako:
Sana cash na lang hahaha
Tatlong small caps na haha lang dahil ayaw kitang kausap.
String 25
Start from the beginning
