Pero ako, hindi ko kaya. Pinilit kong ipagsawalang bahala ngunit naaapektuhan talaga ako.

Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap sa dug-out bago umuwi nang tumunog ang cellphone ko.

Sigurado akong siya ang nag-text.

Unknown Number:

Congrats. Are you okay? Can we talk?

Anong pag-uusapan? Bakit mag-uusap? At ano? Mag-uusap kami sa harap ng baka girlfriend niya na? O baka naman kaya gusto niya akong kausapin kasi ikukwento niyang sila na ng taong nagugustuhan niya?

Na-first blood na nga gusto pa niya yata akong bigyan ng double kill. Ano pa ba? Baka i-triple kill niya pa nang tuluyan na akong hindi makabangon sa sakit.

Pinili kong patayin ang cellphone ko at hindi siya sagutin. Wala naman akong gagawin kaya pagdating ay matutulog at magpapahinga na lang ako.

Ganoon nga ang ginawa ko pag-uwi sa dorm. Hindi ko na inabalang tingnan ang cellphone ko at buksan, basta na lang akong natulog doon.

"Ba't late ka?"

"Kasi late ako."

Sinimangutan ako ng mukha ni Paulo.

"Badtrip?"

"Oo, nakita ko kayo, e."

"Gago ka, ah?"

Umismid ako. "Mas gago siya."

Sa sobrang gago, paramdam pa nang paramdam kahit straight siya at babae ang gusto niya. Ano bang gusto niyang pag-usapan para tadtarin niya ako ng mensahe at tawag?

"Sino kaaway mo?"

"Mama mo," wala sa sariling sagot ko.

"Tangina mo! Wala ka talagang kwentang kausap kahit kailan."

Hindi ko inintindi ang naging usapan nila tungkol sa nalalapit na Anniversary. Next week na iyon at nagsisimula na rin ang practice nila para sa performance ng each department.

Hindi ko na rin nilo-look forward ang performance ng dance club at engineering department. Baka nga hindi na rin ako manood. Sana matapat sa may laban kami para siguradong hindi ko mapapanood.

Baka lang kasi mabaliw na naman ako kapag nakita ko siyang sumayaw.

Ayoko na. Sakit na, e.

"Tropa mo!"

"Tss," rinig kong sagot ni Paulo.

Anak ng kamalasan talaga. Bakit sa rami ng bakanteng upuan sa cafeteria, dito pa talaga sila pupuwesto?

Sa lounge kasi namin napiling kumain. Buo na iyon, pipinturahan na lang ang labas at sabay silang muling gagawa.

Mukhang natutuhan na nilang tiisin ang isa't isa.

Bago pa man kami magtitigan ni Rave, tumalikod na ako at ipinagpatuloy ang pagkain. Hindi naman ako mabubusog ng tingin niya.

Pero ayokong lokohin ang sarili ko. Isang tingin niya pa lang buo na ang araw ko. Nasisira lang iyon kapag sumasagi na sa isip ko ang imaheng nakita ko ang gabing nakita sa tapat ng unit niya.

"Hinanap ka pala kanina ni Angelic, Cade, may sasabihin daw."

Hindi ko alam kung talaga bang malakas ang boses ni Cedrix o nananadya. Kung nananadya naman siya, para saan? Ang random.

"Sige, icha-chat ko."

Ayon nga ang ginawa ko. Nilabas ko ang cellphone ko at chinat si Angelic kung bakit niya ako hinahanap. Sumagot naman agad siya at sinabing magkita kami sa parking lot mamayang alas-kwarto.

Strings Not Too AttachedWhere stories live. Discover now