Mabuti nga at hindi naman ako natumba roon kahit sobrang lakas talaga ng impact. Lahat ata ng galit ni Ramirez pinukol niya sa palong iyon at sa sobrang swerte ko, ako ang tinamaan.

Pero mas maswerte ang taong nanonood ngayon dahil sa kaniya ako tinamaan. Kaya lang, kasama niya iyong babae kung saan siya tinamaan.

Ito naman kasi si kupido, papana na lang sa straight pa. Kung hindi niya naman pala ibibigay sa akin si Rave sana hindi niya na lang ako binaliko.

Pero kung iisipin, thankful pa rin ako na nakilala ko siya dahil nadiskubre ko kung sino nga talaga ako, iyong totoong ako. Iyong parte ng puso ko na hindi ko nagawang pakawalan noon.

At kahit paano, masarap isiping pakakawalan ko man ang nararamdaman ko para sa kaniya... napakawalan ko rin ang totoong ako.

Naging malaya ako.

"Distracted ka. May girlfriend ka ba?"

Wala.

Boyfriend sana kaso wala rin.

"Wala, coach. Hindi ko lang napansin iyong tira na 'yon ni Ramirez. Ang bilis."

Ako kasi ang nag-serve kaya sa rotation ako ang nasa back line kaya ayon, tangina ako ang tinamaan ng spike niya.

Binaunan ba naman ang noo ko.

Lumingon ako sa likuran ko banda at nakita siya, alalang nakatingin sa akin. Nalipat ang tingin ko sa katabi niya, sigurado na talaga akong iyong nakasabay ko iyon sa elevator.

Sumenyas siya kung ayos lang ako. Mukha namang walang pakialam ang katabi niya na busy lang sa kaniyang cellphone.

Parang bored na bored naman 'yan manood. Bakit kasi kailangan pang isama? At bakit kasi nanood pa siya, e, hindi ko naman siya sinabihang manood.

Simula rin kagabi, tawag na siya nang tawag at text nang text hindi lang sa messenger kundi pati sa Instagram at maging personal number ko ngunit lahat ng iyon hindi ko nireply-an.

Sasabihin ko na lang na busy ako at walang load tapos naputulan ng wifi ang dorm. Ayoko pa syang makausap. Nasasaktan ako.

Hindi naman ako galit sa kaniya dahil wala naman siyang kasalanan sa nangyari. Hindi siya accountable sa pagkahulog ko sa kaniya.

Hindi niya naman responsibilidad ang nararamdaman ko. Wala namang ibang may kasalanan ng sakit na nararamdaman ko kung hindi ako lang din.

Kung sana lang tinatagan ko pa ang loob kong huwag mahulog sa kaniya nang tuluyan at huwag umasa nang sobra, hindi sana ganito kasakit.

Edi sana kaya ko pang takasan ang sakit.

Tumango lang ako sa kaniya, walang reaksyon bago muling tumalikod.

Hindi na rin naman nagtagal at pinasok na muli ako ni coach sa loob. Pinilit kong huwag munang ma-distract. Second to the last game namin 'to bago ang semis at sigurado na kaming pasok doon dahil wala pa kaming talo.

"Nice game, guys! "

Hindi ko magawang makitawa sa kanila dahil bukod sa hindi ako okay, hindi rin talaga ako satisfied sa ginawa ko sa loob ng court.

Pakiramdam ko walang kwenta lahat ng mga sets na ginagawa ko kahit anong ganda ng first ball namin. Parang sini-save na nga lang ng mga spikers namin ang sets ko sa kanila para pumuntos.

Lumapit ako kay Captain at Mark. "Bawi ako next game, sorry sa mga low sets."

Nag-thumbs up sila. "Okay lang, kaya naman paluin."

Nakukuha ko na kung bakit may ibang mga coach na pinagbabawalang makipagrelasyon ang mga players nila. Nakaka-distract pala talaga ang nararamdaman lalo kung sensitive at madamdamin kang tao. Siguro pwede iyon sa mga taong kayang ihiwalay ang personal na nararamdaman during the game.

Strings Not Too AttachedWhere stories live. Discover now