Si Paulo ang nag-react doon. "Parinig pa more sa'kin. "
"Huwag mo ako paringgan, nilalandi ko na 'yong akin," sagot naman ni Cedrix.
Ang gagaling magtago ng mga hinayupak na si Jacob at Cedrix. Sabagay, ako nga natatago ko ang nararamdaman ko kay Rave kahit araw-araw kaming magkausap.
Oo, araw-araw kaming magkausap. Chat man 'yan o video call. Minsan nga iniisip ko na talagang bebe time iyon pero sa huli lagi kong pinapaalalahanan ang sarili na normal lang iyon sa mga magkakaibigan.
Sa'min din naman nila Paulo ay madalas mag-update sa gc namin. Ang kaibahan lang, puro katarantaduhan. Samantalang kay Rave, lahat ng ginagawa niya ina-update pa sa akin at siyempre ganoon din ako.
Baka magkaiba lang silang type of friend.
Oo, gano'n na lang ang iisipin ko para less 'yong pain.
"Anong plano sa birthday mo, Cob?"
Birthday na nitong si gago sa susunod na sabado, mabuti nga natapat ng sabado dahil siguradong inuman iyon.
"Hindi ko pa sigurado."
"Himala. Dati nakahanda na 'yong isang case ng Red Horse mo one month before birthday mo, ah?" biro ko.
Ngumisi si Paulo. "Tangina kailangan naming tapusin 'yong lounge, hindi muna kami pupunta sa mga laro mo."
Sa nagdaang linggo, limang beses na sunod-sunod ang naging panalo namin. Tatlong game na lang para sa round 1, huling game nga namin ang sa Western U.
Kung sakaling matalo kami sa kanila, ayos lang, basta maipapanalo namin 'yong huling dalawang games namin para sa point advantage. Pagkatapos ng round one ay eliminations naman kami.
"Oo nga pala kailangan niyong tapusin, anniversary na ng school, e."
Naalala ko tuloy iyong performance ng dance club. Nagsisimula na ang practice nila. Kinukulit ko nga si Rave kung anong sasayawin nila pero hindi niya sinasabi.
Pa-suspense.
Nang hapon na iyon ay nagtuloy-tuloy na ang klase namin hanggang alas-kwatro. Mayroon nga akong dalawang plate na next week ang pasahan, ang isa roon ay major project namin para raw sa upcoming midterm.
Sumasakit ang ulo ko isipin pa lang na ang dami kong kailangang intindihing plate. May training pa at may laban, kailangan ko rin balikan ang mga recording ng lessons na na-mi-missed ko tuwing may laro sa UL.
"Hindi kita masasabay, pre, may date ako."
Edi sanaol.
Iyong gusto kong ka-date nasa lounge, gumagawa.
"Sumabay lang din ako kay Cedrix, wala akong dalang sasakyan," sagot ni Paulo.
Umakbay si Cedrix sa akin nang mapahinto kami sa tapat ng lounge. Patapos na ang labas no'n, ang alam ko sa mga wirings na lang natatagalan at sina Rave ang nakatoka roon.
Wala pa siya nang mapadaan kami, tanging si Ishan at Tristan pa lang. Napansin din naman nila kami pero binalewala ang presensiya namin.
Mabuti naman, kailangan nilang asikasuhin ngayon ang pagtapos ng lounge. Walang lugar para sa pag-aaway nila, not unless gusto nilang pahirapan ang mga sarili nilang gumawa muli at tuluyan nang ma-suspend.
"Ang mga tanga gumagawa na oh!" parinig ni Paulo, nakasulyap kina Ishan.
"Oo, at mamaya tayong isa pang mga tanga ang gagawa," natatawang sinabi ni Jacob.
"Isabay ka na namin, pre," alok ni Cedrix.
Gusto ko sanang tanggapin iyon dahil gusto kong umidlip pero sa dami ng plate na kailangan kong gawin, gagawin ko na lang muna rito. Kahit sa garden na lang ako at maingay, okay na 'yon para mabawasan man lang ang isipin ko.
String 21
Start from the beginning
