Pakiramdam ko may isasarap — isaswabe at angas pa ang galaw niya kaya excited tuloy ako sa Anniversary week. Sana lang huwag sumabay 'yong sched kung kailan kami may laro.
"Sa Miyerkules pa lang ang simula ng practice namin. Bakit?"
"Pwede mag-request?"
Nanliit ang chinito niyang mga mata. "Bakit?"
"Wala lang, baka lang wala pa kayong naisip na sasayawin kaya magre-request ako."
Nag-isip siya. "Anong request mo?"
Ngumiti ako, tuwang-tuwa. "Sasayawin niyo?"
"Tinatanong ko lang, hindi ko sinabing sasayawin na namin."
Ay! Akala ko pa naman makikita ko na siyang sumayaw no'ng napanood ko sa Tiktok na dance cover.
Sinabi ko pa rin naman sa kaniya kung anong request ko at tumango lang siya.
"Naubos mo?"
Tumango ako. "Fave e."
"Akin na," kinukuha niya ang gallon ng ice cream na simot na simot ko.
Hindi ko ibinigay. "Ako na magtatabi."
Sayang. Remembrance ko ito na after game, pinuntahan niya ako para i-congrats at bigyan ng ice cream. Hindi lang basta ice cream dahil paborito ko pa iyon.
Maga-alas diyes na siya nakauwi. Hindi ko nga inakalang tatagal ng ganoon ang usapan namin na napunta lang din sa kung ano-ano.
"Ang daming kwento ni sir, parang gusto pa atang magkwento ng mga hinanakit niya sa buhay," bulong ni Paulo.
Natawa ako at pinagmasdan ang ibang mga kaklase namin na nakatungo sa kani-kanilang mga upuan, halatang bored na bored na rin talaga.
Kahit ako ay bored. Though, may sense naman ang mga ikinukuwento niya lalo kung gusto mo nang mag-asawa dahil buhay pag-aasawa ang kinukuwento niya na hindi ko makita ang connect sa topic naming Urban Planning.
"Hindi pa naman ako mag-aasawa, bakit parang seminar kung paano maging mabuting asawa ang na-attend-an kong klase?" natatawang tanong ni Cedrix kay Jacob, nasa likod ko kasi sila.
Hindi sumagot si Jacob, nagti-take down notes pa ang gago. Mukhang aasawahin na ang nililigawan, ah?
Ako kasi hanggang friends lang, e.
Oo, pinangunahan ko na ang kung ano lang ang kayang ibigay sa'kin ni Rave....at pagiging magkaibigan lang.
Kagabi nga kinukumbinsi ko ang sariling huwag na sanang mahulog nang sobra sa kaniya para naman kapag kailangan ko nang itigil ang nararamdaman ko, hindi ako ganoon mahirapan.
Wala naman siyang sinabing may nililigawan na siya, may taong gusto lang. Pero kahit na, wala naman akong panama roon. Straight siya at sa huli, babae pa rin ang gugustuhin niya.
Matapos kong saktan ang sarili ko sa mga iniisip ay finally natapos na rin ang prof namin sa seminar niya.
Si Jacob lang ata ang nag-enjoy roon.
Inakbayan ko ito. "Tapatin mo nga kami, pre, mag-aasawa ka na ba?"
Ngumisi naman ang loko. "Kung pwede lang talagang asawahin ginawa ko na."
Wala 'to guys, malakas ang tama sa nililigawan.
"Siya lang ang enjoy na enjoy sa ala seminar session ni sir habang lahat tayo uwing-uwi na, e."
"Ganiyan talaga kapag in love, palibhasa hindi niyo pa nakikita ang makakapagpatibok ng puso niyo."
Sorry, nakita ko na 'yong akin kaso failed.
String 21
Start from the beginning
