Magkaibigan lang.
"Nakita ko ang IG story mo, saktong-sakto ang mukha ko roon, e. Sinadya mo?"
Nakita kong nag-story siya sa Instagram. Ten seconds vid iyon ng sequence no'ng huling puntos namin bago manalo sa third set. Saktong sa akin tumutok ang camera nang makapuntos. Ngiting-ngiti ako roon.
May caption lang iyon na....
Let's go! 🦁
"Nagkataon lang, huwag kang feeling."
"Tinanong ko lang, hindi ako nag-assume," sagot ko, kahit ang totoo — umasa talaga ako.
Kinuha naman niya ang cellphone niya, may kung anong pinipindot doon.
Diretso lang ang tingin ko sa mga sasakyang dumadaan, baka sabihin niya pa nakikitingin ako sa privacy niya.
"Sumasayaw ka pala?"
Lumingon ako. "Huh?"
Inabot niya ang cellphone niya sa akin. Kahit naguguluhan ay tinanggap ko iyon.
Nakita kong tiktok namin iyon kanina ni Theo, uploaded na pala sa account niya at may 11.3k na agad iyon na reacts. Nasa dalawang oras na rin no'ng na-upload niya.
Ang gwapo ko rito sumayaw, ah?
Nagbasa ako ng comments.
parang gusto akong kastahin ni Cadence🥵
kasya pa po dalawa
bye, bryce, inakit ako ni cadence
'yan ang gusto ko, 'yong nanggigigil
pabili po isang taga Eastern U tapos nakajersey #1
Nag-e-enjoy pa ako sa pagbabasa ng mga comments doon dahil talagang nakakaaliw nang hinablot iyon ni Rave sa akin.
"Enjoy na enjoy?" masungit niyang tanong.
"Natatawa lang ako. Parang baliw talaga ang mga tao ngayon, ang lakas ng mga tama," sabi ko, natatawa pa rin.
"Part ba ng post-game ritual niyo ang mag-tiktok? Dapag bina-ban kayo sa ganiyan, e."
"Luh? Galit na galit? Takot ka bang malamangan kita? Takot kang maging Tiktoker ako, 'no?"
Binombastic side-eye na naman niya ako.
"Asa!"
"By the way, noong nakita ka namin sa activity hall, audition niyo pa lang ba 'yon?"
"Practice 'yon."
"Para saan?"
"Anniv ng school."
Ay oo nga pala. Next month ang Anniversary ng school, kaya pala kailangan na ring matapos ang lounge dahil bibisita ang Chairman ng University.
Siguradong mayroong activities doon. Last year kasi one-week celebration iyon at puro booths, pageants, and activities. Masaya 'yon last year kahit sumabay rin sa UL season.
"Ah, magpe-perform kayo sa Anniversary ng school?"
Tumango siya. "Excited ka?"
Wow! Ang yabang ng pagkakasabi. Porket alam niyang magaling siyang sumayaw nagyayabang na.
Pero sige, ibibigay ko na sa kaniya, may ipagyayabang naman, e.
"Nagpa-practice na kayo?"
Ewan ko ba. Excited akong mapanood siyang sumayaw ulit, iyong harap-harapan sana. Bitin na bitin iyong nakaraan, e.
String 21
Start from the beginning
