"Angel—"
Tinakpan niya ang bibig ko. "Ako muna, Cade. Ang tagal kong inipon lahat ng sasabihin ko sa'yo ngayong gabi. Kinailangan ko ring uminom para magkaroon ng lakas na umamin sa'yo."
Tumahimik ako gaya ng sinabi niya. Hindi ko rin kasi alam kung anong dapat kong sabihin. Alam kong wala akong nararamdaman dito.
Kahit pa walang Rave, hindi pa rin dahil isa si Angelic sa mga babaeng malapit sa akin at nakikita ko talaga siya bilang kaibigan lang.
"Lahat ng gusto ko sa lalaki na sa'yo na, Cade, kaya gustong-gusto talaga kita. At alam ko rin na wala akong masasagasaang tao kapag sinabi ko 'to dahil alam naman ng lahat na single ka pa. Kaya nga heto ako, nagbabaka-sakali na baka pwedeng mag-apply."
"Pero hindi ako hiring," sagot ko.
Tumawa siya. "Hindi ko alam kung nag jo-joke ka ba o nire-reject mo na ako pero 'yang mga ganiyan mo ang isa sa mga nagustuhan ko sa'yo."
Ang lakas ng loob.
Kung sakaling aamin ako kay Rave sana ganito ako ka-kompiyansa katulad ni Angelic. Bilib ako sa kaniya.
"Ang—"
"Stop! I don't want to listen to it....for now. Kung ano man ang sasabihin mo, huwag muna ngayon. Give me at least a week para marinig kung anong iniisip mo ngayon."
Naguguluhan naman ako. "Bakit hindi pa ngayon?"
"Duh! It's my birthday, Cade, ayokong ma-brokenhearted kung sakaling i-reject mo ako kaya sana at least after a week mo na ako kausapin ulit."
"Please, Cade? Birthday ko naman today, e, iyon na lang ang gift mo sa'kin."
"May regalo na ako sa'yo, 'no!"
Humalakhak siya. "You're really funny. But, I have to go, feeling ko I am red as a tomato after I confessed."
Nakakatuwa itong si Angelic. Sobrang cute.
Kaso hindi niya ako deserve. Isa lang naman ang sagot ko sa confession niya, hindi pwede.
"Huwag mo na rin ako ihatid sa loob kasi baka lalo akong ma-fall, Cadence. Again, thank you for coming to my birthday. I really like you!"
Isa pang halik sa aking pisngi ang iginawad nito bago mabilis na tumalikod at tumakbo papasok sa loob ng bar.
Hindi ko in-expect 'yon, ah?
"Nakadalawa, ah?"
"Na?"
"Halik."
Sabi na, e. Kitang-kita niya talaga kami.
Umupo muli ako sa kaparehong pwesto namin kanina no'ng hindi pa tumawag si Angelic.
"Ano, girlfriend mo na?"
"Sino?"
"Si birthday girl, hinalikan ka, e."
"Sa pisngi lang naman. At saka kapag hinalikan, girlfriend agad? Jojowain na?" natatawa kong tanong.
"Gusto ka no'n."
Kahit obvious namang gusto nga ako ni Angelic, tinanong ko pa rin. "Pa'no mo nasabi?"
"Hindi naman 'yon hahalik kung hindi ka gusto."
"Bakit? Ganoon ka ba sa mga tipo mo?"
"Sa gustong-gusto ko, oo."
Sarap naman no'n. Iyong gustuhin ka ng isang Raven Verancia, ang sarap na sa pakiramdam, iyong may kasamang halik pa kaya?
When kaya?
String 19
Start from the beginning
