Naputol ang tinginang iyon nang tumunog ang cellphone ko. May tumatawag sa mismong number ko.
Angelic calling....
Nakita kong sumulyap din ang katabi ko roon.
"Sagutin mo, dito lang ako."
Tumango ako.
Hindi na ako nag abalang umalis at hindi naman siguro importante ang sasabihin niya. Sinagot ko iyon at malakas na tunog sa loob ng bar ang bumungad.
"Hello, Cade?"
"Napatawag ka, birthday girl?" tumawa lang ako nang kaunti pero pinaningkitan lamang ako ng mata ng katabi ko.
"Where are you?"
Oo nga pala, may sasabihin nga raw pala siya. Ano, naka minom na ba siya kaya ngayon niya na sasabihin? Pero ayokong umalis.
"Bakit?"
"May sasabihin ako sa'yo, Cadence. Can we talk? Uhm, sa parking? I can't see you, e. Atsaka mas better kung tayo lang dalawa."
Bakit iba ang kutob ko rito?
Papayag ba ako?
"Kausapin mo."
Narinig niya ba? Sabagay, sa sobrang tahimik dito, kahit hindi naka loudspeaker ang phone ko ay paniguradong dinig niya lalo't magkatabi kami.
"Sige, papunta na ako."
"Sige, Cade."
Ibinaba ko ang tawag at ibinulsa na iyon. Tumingin ito sa akin, tumango, tila sinasabing ayos lang na umalis na ako at iwan siya.
"Diyan lang kami mag-uusap, may sasabihin daw siya, e. Babalik din ako agad."
Siyempre kailangan kong magpaliwanag dahil ayokong mag-isip siya ng ibang ideya.
Tahimik pa rin siya at tipid na tumango. Nakakatakot naman ang ganiyan niyang ekspresyon, hindi mo malaman kung galit o ano.
Pero lalaki siya, hindi naman ako espesyal sa kaniya kaya bakit siya magagalit kung aalis ako at makikipag-usap sa iba?
Bago pa ako drumama roon ay nag umpisa na akong maglakad pabalik sa exit pero bahagi pa rin ng parking lot.
Malayo na iyon sa pwesto kung nasaan si Rave. Sigurado rin akong hindi siya mapapansin doon ni Angelic dahil madilim na at siguradong may tama na kaya malabo na ang paningin.
"Cade!"
Umayos ako ng tayo. Feeling ko naka live ako, siguradong tanaw na tanaw ako ni Rave mula rito kaya inayos ko ang itsura at postura.
"Ano pa lang sasabihin mo, Ange—"
Tangina?
"Gusto kita, Cadence."
Hinalikan niya ako.
Sa pisngi.
Pero kahit na!
Gusto ko sanang lingunin si Rave kung anong reaksyon niya pero napangunahan na ako ng takot na baka natatawa lang siya. Siguradong sasama lang ang loob ko kung makitang gano'n nga kaya pinigilan kong lumingon.
"Crush na kita no'ng entrance exam pa lang. Same room tayo no'ng admission test, doon kita unang nagustuhan. Tapos nalaman ko sa tropa ng kuya ko na si Kris na nag try-out ka rin at ayon nalaman kong athlete ka rin kaya pumasok ako sa cheering squad para makalibreng cheer sa'yo," pag-amin nito.
Tangina, unexpected.
"Dati kasi hindi pa ako sigurado kung crush lang ba talaga kita o gustong-gusto na kaya hindi pa ako umamin pero dalawang taon na 'tong nararamdaman ko sa'yo kaya pakiramdam ko kailangan ko nang aminin sa'yo."
String 19
Start from the beginning
