"Ayon nga rin ang binubulong ko sa kaniya kanina, e, baka kako babae na ang iniisip nya," dagdag na sabi ni Paulo sa asar ni Jacob.
"Itutulad nyo na naman ako sa inyo. Alam nyo namang sa'ting apat ako lang ang hindi kataka-takang walang babae kahit dumaan ang napakaraming buwan," sagot ko.
Totoo naman. Hindi sa pagmamayabang pero lapitin ako ng mga babae. Sa height kong 6'0, masasabi kong matangkad na ako.
Hindi man gano'n kabatak sa gym pero firm naman ang katawan ko at hindi payat, maputi rin ako at sabi nga nila... gwapo.
Galit man ako sa tatay ko, salamat na rin sa genes nya dahil sya talaga ang kamukha ko. Hindi ko naman nakuha ang pagiging gago nya, buti naman.
Pero gayunpaman, hindi ako papalit-palit ng babae. May nakaka hook-up, oo, madalas one-night stand dahil nakainom pero kapag hindi ay wala talaga akong pinapatulan. Hindi ko alam, isang babae lang talaga ang nakaseryosong relasyon ko.
Iyong Senior High pa ako, iyong si Sam naman kasi na inasar ni Rave sa'kin ay hindi ko ma-consider kasi bata pa kami no'n tapos crush crush lang.
"Edi ikaw na malinis, pre. Palagi mo na lang pinapamukha sa'ming ikaw lang ang malinis dito tapos kami ang marurumi," maarteng humawak pa si Cedrix sa kanyang dibdib na parang nasasaktan.
Kapag binigyan ko ito ng isa siguradong masasaktan talaga sya. Arte.
"Truth hurts talaga," sagot ko.
Sinamaan nila akong tatlo ng tingin.
Natapos ang dalawang oras na vacant namin sa tawanan at biruan. Hindi na rin kami lumabas ng University at sa cafeteria na lang kumain at tumambay. Ang hassle na rin kasi lumabas.
Mainit din tapos dalawang oras lang ang vacant, isang oras na ro'n ang para sa kain namin kaya iyong isang oras ay pahinga na lang.
"Kailangan talaga sabay-sabay mag-cr?" natatawa kong tanong dahil nag-aya si Jacob mag-restroom bago pumasok sa susunod naming klase.
"Oo, pre. Ikaw magpapagpag ng amin," sagot ni Paulo.
"Inamo! Magpagpagan kayo, hintayin ko na lang kayo sa tapat ng drinking station."
Ganoon nga ang ginawa ko, naghintay ako sa drinking station katabi ng hand washing area. Sobrang hygienic ng school namin kaya pakalat-kalat na lang ang mga washing area which is totally good.
"Pwedeng pagamit? Tapos ka naman na ata, sinasayang mo lang ang tubig, e."
Napalingon ako sa kaliwa ko at halos doble ang gulat ko ngayon sa gulat ko nang tawagin ako kanina ni Miss Barbosa.
"Rave!"
"Walang tubig sa ibang faucet, baka pwedeng pagamit? Kung tapos ka na," seryosong sabi nya.
Tingnan mo. Paano naman ako hindi mag-o-overthink kung ganiyan ang tono ng boses nya? Napakapormal na parang may halong galit, hindi naman sya ganyan makipag-usap sa akin no'ng mga nakaraan, ah?
Nakakabwiset na sya.
"Okay lang, tapos na rin ako."
"Thanks."
Oh diba? Tapos wala na.
Tangina wala nang next no'n. Habang kinukuha ko ang towel sa bag ko ay tinitingnan ko lang ito. Matangos naman ang ilong ko pero sobrang tangos ng kay Rave, iyong jawline nya pa ay hulmang-hulma.
Sa akin kasi medyo may taba. Hindi naman mataba ang mukha ko pero hindi ganoon kadepina ang panga ko pero pogi pa rin siyempre pero 'yong kanya? Lalaking-lalaki.
So 'yong akin pang babae? Kinginang 'yan.
At dahil naiinis na ako sa ganitong pakiramdam, ayoko nang patagalin pa itong awkwardness na 'to at kailangang may gawin na ako.
I cleared my throat. “Uh, Rave, about what happened during enrollment—”
He shut off the faucet and shook his hand in the air before facing me. “If you’re going to apologize for what happened or what your friend said, don’t worry about it. It’s fine.”
Fine? That tone wasn’t fine. He cut me off like he didn’t want the conversation to go on, then told me it was fine? How did he call this ‘fine’?
“I know Paulo was wrong for what he said to you. That’s why I also want to apologize,” I added.
“You weren’t the one who said those things. Why are you the one apologizing?” He raised a brow.
I looked away. He avoided me before when we passed by, but now he was staring intensely.
"Oo nga, pero kasi pakiramdam ko dahil sa'kin kaya ka nya napagsabihan ng ganoon. Kung hindi lang kita kausap no'n, hindi naman 'yon mangyayari."
“Why do I feel like you regret talking to me that day? Did you also regret talking to me back in Cavite?” He frowned.
Nabigla naman ako. "Hindi, ah! Hindi gano'n 'yon, Rave. Ang sinasabi ko lang na partly, I have my own share of fault sa nangyari that's why I'm apologizing."
“Then if you don’t regret talking to me that day, you don’t have to apologize. If you think I’m angry, I’m not. I was annoyed. But that’s over. Forget it.”
There! He said it! I knew I wasn’t just imagining it—that he was definitely annoyed when he kept avoiding my gaze.
“So you were annoyed? Then fine—sorry.”
He closed his eyes and stepped closer. “Look, Cadence. I’m not mad at you, and I don’t see any reason why that conversation happened the way it did. It’s just that I don’t like that you denied we know each other... that we used to be friends. But that’s it. Nothing more. I understand now.”
Napa-awang ang bibig ko. Hindi ko alam na iyon pala ang dahilan nya. Hindi sumagi sa isip ko ang dahilang iyan. Natameme tuloy ako, wala akong nasabi. Kung hindi lang nya ako pinagtaasan pa muli ng kilay ay hindi ako makakasagot.
"E, iyon lang ang nakita kong paraan para matapos na 'yong usapan at hindi na lumaki 'yong gulo. Siguro ngayon alam mo na ang rivalry ng departments natin, pati iyong issue ng kaibigan mo sa kaibigan ko."
"And the solution you thought is to deny me?" tanong nya.
Totoo naman ang tanong nya pero ba't hirap na hirap akong aminin?
Sa huli, tumango na lang ako.
Tumawa ito pero hindi ko alam kung totoong natawa sya o sarkastiko talaga. Hindi ko malaman kung alin sa dalawa.
"Yeah, rivals," nakangising untag nito.
"Cadence! Ano 'yan?"
Sabay kaming lumingon at nakita na sila Paulo roon. Kunot-noo na itong lumalapit.
"Pwedeng pahiram?"
"Huh?"
Ngumisi ulit sya, hinila na ang towel na hawak ko mula sa akin. "Wala kasi akong pamunas ng kamay, isosoli ko rin pagkatapos kong labhan."
"Pero ginamit ko na rin 'yan pamunas ng kamay ko."
"That's okay. So, can I borrow it?"
Ngumiwi ako. Gantong Rave ang inaasahan ko, hindi iyong akala ko susuntukin na ako kung magsungit ang tingin.
"Hawak mo na, e, makakatanggi pa ba ako?"
"Hindi na," sabay nguso sa likuran ko. "Nariyan na ang mga kaibigan mo, aalis na rin ako," sabay talikod.
Pero hindi pa man sya nakakaisang hakbang, muli na naman syang lumingon at nagsalita.
"It's okay if you want to deny me, but please reply when I message you."
That was his last sentence as he walked away, towel still in hand.
I couldn’t help the flutter in my chest as I watched him hold that towel—my used towel.
The thought that we were sharing the same thing was giving me... soft attacks.
What the fuck.
String 05
Magsimula sa umpisa
