"Nasa bahay pa ba ang kaluluwa mo? Estatwa mo lang ba ang pumasok sa klase ko ngayon? You're not listening, Mr. Perez. Nariyan ka sa sahig nakatingin, nandiyan ba ako para 'yan ang tingnan mo?"
Hindi naman ganoon ka-terror itong si Miss Barbosa, naging prof na namin 'to sa minor subject no'ng first sem last school year. Istrikta lang talaga kapag nahuli kang hindi nakikinig.
Madalas na si Paulo o Jacob ang masampolan nito noon pero ako ang buwena mano ngayong sem. Ang lala talaga.
"Sorry, Ma'am, iniisip ko lang po 'yong training po namin para mamaya. Pasensya na po," sagot ko.
Ayan, tama 'yan. Magsinungaling ka para isalba ang sarili mo sa kahihiyan, Cadence. Gamitin mo ang pagiging student-athlete mo para iwasan ang kahihiyang 'to. Very good.
Pinangunahan ni Paulo ang pagpalakpak na sinegundahan ng buong klase. Hindi ko alam ang trip ng mga 'to.
"Malapit na kasi ang UL season, Ma'am. Hinahanda lang ni Cadence ang sarili nya kasi gusto nyang mag-champion ang Estern U this season," sabi pa nito sabay palakpak pa.
Nakita ko ang pagngiwi ni Miss Barbosa. Parang gago naman kasi talaga 'tong si Paulo, akala mo tropa nya si Ma'am kung magbiro.
"Palalampasin ko 'to, huh? Aasahan ko ang silver or gold medal para sa season na 'to. Galingan nyo ng team," sabi nito saka bumalik sa kaniyang tinuturo.
Nakahinga ako nang malalim doon. Buti naligtas.
"Libre mo 'ko lunch, ah? Ako prince charming mo ngayon," bulong ni Paulo.
"Prince charming amputa. Nag-iimagine ka na naman dyan, pre. "
"Sino kaya ang nasa klase pero nag-de-day dream? Huwag mo kasi isipin, mahal ka no'n," dagdag na asar nya pa.
Na kay Rave ang utak ko nang tawagin ako ni Miss Barbosa, so ibig sabihin mahal niya ako?
Naknampucha, ang lala ko na. Tangina kasi bakit ba bother na bother ako kung hindi na nya ako nginingitian?
Pero kasi siyempre okay naman kami no'ng nasa Cavite, e. Oo awkward talaga para sa akin pero masaya naman akong makita at makasama-sama sya kasi siyempre naging magkaibigan din kami ng ilang taon no'ng junior high. Duo rin kami no'n sa volleyball.
Though, marami nang nag-iba kaya iba na talaga ang turing ko kina Paulo sa naging turing ko sa kaniya noon dahil bata pa naman kami no'n kumpara sa ngayon.
Pero parang mas hindi ako mapanatag kapag ganitong kung tumingin sya ay akala mo hindi kami magkakilala. Hindi ko naman hiniling na ngumiti sya kasi delikado iyon lalo kung makikita nina Paulo pero iwas na iwas sya ng tingin at iyon ang nakakainis doon.
At ang mas nakakainis pa — hindi ko alam kung bakit ako naiinis sa simpleng bagay na 'yon.
Malay ko ba kung ayaw nya na akong maging kaibigan man lang kaya umiiwas na lalo may issue ang parehong departments namin.
Isa pa, ako rin naman mismo ang tumanggi sa kaniya kila Paulo na hindi kami magkakilala, 'di ba?
Kaya putangina mo, Cadence! Anong ino-overthink mo riyan? Bakit hindi ka na lang makinig nang may pumasok naman sa maliit mong utak?
Bwiset.
"Ano ba kasing iniisip mo kanina, pre? Tangina tawang-tawa ako no'ng tinawag ka ni Ma'am, balikwas sya sa upuan e," dinemonstrate nya pa talaga kung paano ako nagulat.
"Hayop ka talaga, Drix!" angil ko.
"Hindi ano, pre, sino kamo. Sino ba kasi ang iniisip mo kanina, Cade? Babae 'no? May nakaka-chat ka na siguro, seryosohan na ba?"
String 05
Start from the beginning
