Ayan na naman sya. Galit na galit na naman sya.

"Speaking of the sugo," bulong pa nito sabay irap sa nasa harap namin.

Nandito kami nakatambay sa labas ng department namin, naghihintay mag-alas nuwebe dahil mali-late raw ang prof dahil sa biglaang meeting kaya nakatambay kami rito. Nagkataon naman na katapat lang ng building namin ang department ng Engineering.

Lumingon ako sa papalapit na sina Tristan. Tatlo sila roon, pare-parehong suot ang kanilang mga uniform. Awtomatikong lumingon ako kay Rave. Ngayon ko pa lang sya nakitang suot ang uniform ng course nila  dahil siyempre first day niya...

At tangina! Ang astig nga talagang tingnan.

The Engineering uniform was a black shirt tucked into black pants, paired with black leather shoes. But what really stood out—and the coolest part—was their maroon polo shirt, always worn unbuttoned so the black shirt underneath showed through, blending with the rich maroon. Their department logo was embroidered on the shirt, and on the back, their surnames were printed.

“I don’t want to praise them, but their uniform is really something. We should change ours,” Jacob said quietly.

It suited Rave perfectly—his moreno skin complemented the colors so well. Tangina nakakainggit, ah? Hakot eabab na naman ang mga tarantadong 'to.

"Huwag naman kayong pahalata. Para na kayong mga nababakla sa mga siraulong 'yan, e," sita sa'ming tatlo ni Paulo kaya kahit ako napaiwas na ng tingin.

"Maganda naman ang uniform natin, bumabakat ang muscles," sabay flex ng muscle ni Cedrix.

Tama. Maganda naman ang uniform naming Archi, malinis tingnan. Ang hirap nga lang labhan kapag nadumihan kaya kapag dugyot ka, kawawa ka sa ganitong uniform. Kitang-kita kahit kaunting mantsa.

"Papunta na raw si Miss Barbosa," imporma ko sa mga ito dahil nag-chat na si Miss Barbosa sa gc ng section namin.

We crossed paths with Tristan, and honestly, I had no interest in Paulo and him shooting daggers at each other anymore. I just focused my gaze on Rave.

Nakita nya rin ako at hinangod pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa saka muling tumitig sa akin. Ngingiti pa lang sana ako nang umiwas na ito ng tingin at kinausap ang katabing si Ishan.

Tangina in-expect ko bang ngingitian nya ako?

Kingina!

Ang iinit naman ata ng ulo ng mga tao ngayong araw? Ano, galit pa rin sya sa nangyari no'ng enrollment?

Ang kinginang 'to!

Anong paki ko sa kaniya? Pero kasi 'di ba kahit paano may kasalanan din ako kasi kaibigan ko si Paulo pero —  hindi naman ako ang nagsalita ng kung ano-ano sa kaniya, ah?

Tangina naman.

"I said do you understand, Mr. Perez?"

Napabalikwas ako sa upuan nang marinig ang apelyido ko. Rinig na rinig ko ang hagikgikan na sadyang nilalakasan ng tatlong bugok sa tabi ko dahil sa pagkapahiya ko rito sa subject ni Miss Barbosa.

"Ang alin po, Ma'am?" takang tanong ko.

Bumulusok na ang tawanan sa buong klase. Tangina ano ba kasing tinatanong ni Ma'am? At bakit hindi ko alam?

Kanina lang nagsusulat pa ito ng kung ano-ano sa board tapos ngayon nasa harap ko na at tinatanong ako.

Nakakahiya tuloy.

Unang araw sa second sem para sa kamalasan at kahihiyan.

More to go, Cade.

Kingina!

Strings Not Too AttachedWhere stories live. Discover now