"Malamang, tanga ka ba? E, magkakaklase tayo, e," sabi ni Cedrix kay Jacob.
"Mas tanga ka! Malay ko ba kung ayaw mong sumabay," sagot naman ni Jacob.
Sumabat na ako. "Basta pasundo na lang, guys. Nakakatamad maglakad. Ang aga ng first sub gago!"
Binigay na kanina sa portal ang schedule namin this sem at kabaliktaran iyon no'ng schedule namin last sem.
Kung dati halos puro hapon na iyon hanggang gabi, ngayon naman ay umaga hanggang hapon. May dalawang araw pa nga na halos whole day.
Makakasingit pa kaya ako ng training?
Sabagay, ini-excuse naman iyon pero tangina ano na lang matututunan ko no'n kung palagi akong absent? Baka sa susunod hindi ko na alam miski pag-drawing ng simpleng bahay.
Hayop! Ang hectic.
"Kaya nga, e! Nakita ko 'yong schedule tangina minamalas talaga. Alas otso? E, nananaginip pa ako no'n," reklamo ni Paulo.
"Naglalaway pa kamo."
"Ulol ka, Cedrix! Huwag kang sasabay bukas, huh?"
Edi kayo na ang may mga sasakyan.
"Wow! Sa pagkakaalala ko, ikaw ang mahilig makisabay sa sasakyan ko, ah?"
"Dami niyong alam, sunduin nyo na lang ako bukas nang matuwa naman ako," singit ko sa usapan.
"Ako na lang, Cade. Daan ako bukas diyan."
Kingina.
Si Jacob ba talaga 'to? Hindi ba ako namali ng na-add sa gc? Sa huling pagkakaalala ko kailangan ko pa itong sumbatan ng ilang taon naming pagkakaibigan at alukin ng maraming babae bago ako nito sunduin kapag sumasabay ako tapos ngayon sya pa ang nagkukusa?
Wala 'to, may pinopormahan na 'to.
Siguro malapit sa dorm ang pinopormahan nya. Bahala sya, magkukwento rin naman 'yan. Ayaw ko namang pangunahan. Pabor na rin para iwas init at pamasahe, makakatipid pa ako.
At gaya nga ng sinabi ko, napakabilis lumipas ng araw at ngayon nga ang first day ng second sem. It felt like I just dozed off for the two-week break.
"May training tayo ng 6 pm, Cade, ah? Diretso ka na lang do'n. Hanggang anong oras ba pasok mo ngayon?" tanong ni TJ.
"Sinend ko na kay coach 'yong schedule ko pero tuloy-tuloy ang klase ko hanggang 4:30 ngayon."
Tumango ito. "Ako nga ala-una pa pero hanggang ala-sais. Wala nang ligo-ligo, diretso training na, " sabay tawa.
Wala nang bago roon. Ganoon madalas ang gawain ng mga humahabol na lang sa training. I was happy seeing everyone eager to train despite the exhausting schedule — kaya rin wala talaga akong karapatang magreklamo dahil lahat kami nag-a-adjust at nahihirapan kaya hindi ako pwedeng pa-main character.
"Ang init na sa Pinas ang init pa ng uniform!" reklamo ni Jacob.
Totoo. The daily uniform for Architecture students at EU was a white long-sleeved shirt tucked into black pants, paired with black leather shoes, plus a black necktie with the department logo.
The university was strict, so no matter how hot it was, we had no choice.
"Isipin mo na lang 'yong mga Engineering student, pre, doble-doble ang suot nila," singit ni Cedrix.
Tumawa ako. Oo nga, mas malala nga ang mga nasa Engineering pero astig naman ang uniform nila.
"Hindi na tinatablan ng init ang mga 'yon kasi sugo sila ni Lucifer," sagot naman ni Paulo.
String 05
Start from the beginning
